Joshua at Julia, may paubaya

Julia Barretto at Joshua Garcia

Gawing mas kapana-panabik ang long weekend sa pamamagitan ng panonood ng iyong mga paboritong pagtatanghal mula kina Maki, Belle, Joshua, Julia at marami pang iba ngayong Linggo (Agosto 25) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pangmalakasang feels ang hatid ng New Gen hitma­ker na si Maki kasama ang mga kapwa singers at songwriters na sina TJ Monterde, KD Estrada, Jeremy Glinoga, at Angela Ken. Subaybayan muli ang Un/happy For You na sina Joshua Garcia at Julia Barretto na aawit ng Paubaya ng Ben & Ben.

Abangan ang all-star opening prod na tampok ang mga nakamamanghang performance mula kina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Belle Mariano, Kim Chiu, Alexa Ilacad, Maymay, Jona, Yeng Constantino, Jolina Magdangal, Janella Salvador, Morissette, Jason Dy, Klarisse de Guzman, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Jeremy, Anji Salvacion, AC Bonifacio, at Chie Filomeno.

Makiindak ngayong kasama ang ASAP New Gen artists na sina Darren, Anji, Alexa, AC, Jeremy, Sheena Belarmino, Gela Atayde, Joao Constancia, Kystal Brimner, Race Matias, na sasamahan ng G-Force, MNVRS Ignite, at Legit Status, sa collab dance performance kasama ang mga Pinoy pride dance champion na Fresno Style PH, AJ Crew, at The Peepz. Saksihan din ang pinakamainit na dance battle nina BGYO Gelo at Nate, kasama ang D’ Grind.

Panoorin naman sina Denise Julia, na aawit ng kanyang hit song na B.A.D, at si Kim na sasayawin ang NVMD ni Denise Julia. Abangan rin ang collab number nina Martin Nievera at Darren.

Makikanta naman sa mga singing champion na sina Jed Madela, Jason, Jona, Klarisse, Lyka Estrella, Khimo, Reiven Umali, Katrina Velarde, Mariella Montellano, Bugoy Drilon, JM Yosures, Sam Mangubat, at JM Dela Cerna na aawit ng inspiring finale pieces.

Samantala, panoorin ang biritan ng ASAP divas na sina Regine, Zsa Zsa, Bituin, Frenchie, at Nina. Bonggang kantahan pa rin ang hatid nina Erik, Yeng, Jed, Kyla, JM DC, at Marielle sa kanilang duets prod.

Handog naman ni Maestro Ryan Cayabyab ang mala-konsiyertong performance ng kanyang mga awitin kasama ang mga OPM icon na sina Gary, Martin, Regine, Zsa Zsa, Ogie, at Erik. Makakasama rin nila ang mga Ryan Cayabyab Singers. Makikisaya rin ngayong Linggo ang ASAP hosts na sina Robi Domingo at Edwards Barbers.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, ASAP Natin ‘To.

Show comments