Nakipag-bonding si Carlo Aquino sa anak niyang si Mithi.
Makikita nga sa ipinost niyang Reel video ang sweetness nilang mag-ama.
Naka-tag pa ang misis niyang si Charlie Dizon.
“The days, the weeks, the months will fly....
But you will always be my little princess..,” aniya sa caption nilang mag-ama.
Last July, umikot online ang photos ni Charlie na kasama ang kanyang stepdaughter, matapos sabihin ni Trina Candaza sa interview ni Ogie Diaz na hindi naman in-invite ang kanyang anak ni Carlo upang maging bahagi ng kanyang kasal noong June.
Naghiwalay sina Carlo at Trina noong 2022 at kinasal naman sina Carlo at Charlie last June.