Nakipagsanib-puwersa ang TV5 sa South Korea’s MLD Company para ilunsad ang Be The NEXT: 99 Dreamers, isang makabagong boy group survival show na magsisimula sa 2025.
Kilala sa pagbuo ng mga sikat na grupo tulad ng HORI7ON at Lapillus, ang MLD Compay ay naghahanap ngayon ng susunod na global pop sensation.
Bukas na ang auditions para sa Be The Next: 99 Dreamers hanggang Oktubre 18, 2024. Dito pipiliin ang 99 na aspiring male artists mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa inaasam na pwesto sa isang bagong global boy group.
Ang Be The Next: 99 Dreamers ay tumatanggap ng mga aplikanteng ipinanganak mula 2000 hanggang 2009, kabilang ang mga nakapag-debut na o may karanasan na sa TV. Ang palabas na ito ay nagbibigay ng isang bihirang pagkakataon na ipasikat ang kanilang talento sa buong mundo.
“At TV5, we are committed to discovering the best new talents. Through our partnership with MLD COMPANY, we’re confident that their K-Pop expertise will help shape the next generation of international pop superstars,” ayon kay TV5 President and CEO Guido R. Zaballero.
Dagdag pa ni MLD CEO Lee Hyoung Jin, “We’re thrilled to partner with TV5, a trusted TV station in the Philippines. Together, we’ll harness the synergy of the K-POP training system and young global talents to create the next big pop phenomenon.”
Ipinakilala na kamakailan ang HORI7ON bilang ambassadors ng palabas.
Kaya huwag palampasin ang pagkakataong matupad ang iyong pangarap sumikat sa Be The NEXT: 99 Dreamers. Mag-apply na sa bethenext99.com at abangan ang mga kapana-panabik na sorpresa, kabilang ang pag-anunsyo ng star-studded lineup ng hosts at mentors ng palabas.
BGYO, inilabas na ang ‘Trash’
Inilunsad ng Filipino male group na BGYO ang kanilang latest single na Trash na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms worldwide at napapanood na rin ang music video nito sa BGYO Official YouTube channel.
May pop, neo soul, disco at funk elements ang feel-good song na prinodyus pa mismo ng Grammy Award winner na si Lostboy at Grammy Award nominee na si Tele.
Sina Greg Shilling, Elle Campbell, Peter Rycroft (aka Lostboy), at Steven Chueng (aka Tele) ang sumulat ng kanta tungkol sa pagiging handa na ‘itapon’ ang lahat para sa pagmamahal na hango mismo sa pananaw ng BGYO members pagdating sa pag-ibig.
Unang pinarinig ng grupo ang Trash sa ASAP Natin ‘To California na ginanap noong Agosto 3 sa Ontario, California.
Ang grupong kinabibilangan nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang isa sa Filipino acts na unti-unting pinapasok ang international scene sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ibida ang talentong Pinoy sa global stage.
Kamakailan ay dumalo rin ang grupo sa Philippines Food and Music Festival sa Toronto, Canada at sa TFC Hour event sa Pistahan Parade and Festival na ginanap naman sa San Francisco, California.