^

PSN Showbiz

Lovi, nag-training sa coach ni Pacman!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa kanyang Instagram post na nasa Wild Card Boxing Club ni Freddie Roach si Lovi Poe, obviously, nagte-train ang aktres. Kaya ang tanong, ang next project ba niya ay action at kailangang marunong siyang mag-boxing?

Tapos, mababasa pa ang comment ni Ronnie Lazaro na “Looking forward to our project. Yes lets shape up!” So, ang next project nga ni Lovi ay tungkol sa bo­xing at ang gusto pang malaman ng kanyang fans ay pelikula ba o TV series ito?

Nag-react ang husband ni Lovi na si Monty Blencowe sa nasabing post, kaya lang, walang clue sa comment nito tungkol sa pinaghahandaan ng misis.

Samantala, binisita ni Max Collins si Lovi sa Los Angeles, California at may pa-shoutout si Lovi sa kaibigan. “Shoutout to low maintenance friends, the ones you don’t talk to for months because you’re both living life but when you meet up, there’s nothing but love @maxcollins.”

Si Michelle Dee ang nagpaalala na nagkasama sina Lovi at Michelle sa GMA 7 series na TOTGA, kaya naka-tag si Rhian Ramos na kasama rin sa cast.

Richard at Barbie, hinihintay sa incognito!

Nasa Palawan na ang cast ng action series ng ABS-CBN na Incognito dahil doon kukunan ang ilang eksena ng series. Lock-in taping daw ito, kaya walang balikan ng Manila at babalik lang ang cast kapag tapos nang kunan ang mga eksena.

May napanood kaming video nang pag-alis ng Manila airport nina Ian Veneracion, Daniel Padilla, Baron Geisler, Kaila Estrada at Ri­chard Gutierrez. Wala sa video si Barbie Imperial, siguro nagti-taping pa ng Batang Quiapo at susunod na lang sa Palawan. Puwede ring wala siyang eksena roon at puro sa Manila.

Natuwa pa naman ang shippers nina Richard at Barbie na magkasama sila sa Incognito dahil marami raw silang ayuda na mai-expect mula sa dalawa. Anyway, abang-abang lang at baka nga sumunod sa Palawan ang aktres.

Nang unang i-announce ang cast ng action series, inisip agad ng fans na si Kaila ang magiging love inte­rest ni Daniel at marami ang natuwa. Gusto pala ng solid fans ng aktor na makapareha nito si Kaila at ini-ima­gine na nila na may chemistry ang dalawa. Kaya nadismaya ang fans sa sinabing walang kapareha si Daniel sa series na maganda rin naman para makitang kaya niya kahit wala siyang kapareha at lalong walang love team.

Dennis, mangiyak-ngiyak sa ginawa ng anak

Biniro ni Jennylyn Mercado ang asawang si Dennis Trillo na iiyak na dahil pinunit ng anak nilang si Dylan ang cover ng CD collection ng aktor. Sa kuwento ni Jennylyn, hinayaan ni Dennis na paglaruan ni Dylan ang CD thinking na hindi mapupunit ang cover dahil matibay raw.

Nagkamali ito ng tantiya  at makikita si Dennis na mangiyak-ngiyak at isa-isang inaayos ang CD. Pati ‘yung hawak ni Dylan at pupunitin pa lang, biglang kinuha ni Dennis.

Kahit may voiceover si Dennis na “okay lang ‘yan” at nanghingi ng kiss sa anak, kita pa rin na nalungkot siya sa nangyari sa kanyang collection.

May nagbiro tuloy sa kanya na kung gaano siya kabagsik sa Pulang Araw bilang si Col. Yuta Saito, tiklop siya sa anak na si Dylan. Anyway, lumabas na ang karakter ni Dennis sa historical drama series ng GMA 7 at mapapanood na kung gaano siya kabagsik at ka-brutal.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with