Skin Academy, may nilantad na sikreto!
Ngayong Agosto, inaanyayahan ng Cetaphil ang lahat na sumama sa paglalakbay patungo sa malusog na balat sa National Healthy Skin Mission: Skin Academy. Sa pakikipagtulungan ng Watsons at SM Beauty, pinangunahan ng Cetaphil ang monthlong activation na ito na nagsimula noong Aug. 1, 2024 sa SM Makati.
Alam n’yo ba na maaaring ma-boost ang 15 essential ceramides ng inyong balat? Ang 15 ceramides na ito ay makakatulong sa pagpapanatili ng moisture barrier na inyong balat, dahil mahalaga ito sa overall skin health and function. Ang protective layer na ito ay nagsisilbing skin’s first line of defense laban sa environmental stressors, pollutants, at harmful microorganisms habang nakakatulong din sa pagpapanatili ng moisture sa loob ng balat.
Ang NHSM sa taong ito ay magdadala sa iyo ng behind the scenes ng skin science, para matutunan ang mas maraming paraan para ma-improve ang skin’s moisture barrier gamit ang 15 essential ceramides at malantad kung paano natutugunan ng advanced formulations ng Cetaphil ang iba’t ibang pangangailangan ng sensitibong balat.
Sa panahon ng online skincare misinformation, layunin ng Cetaphil na linisin ito sa pamamagitan ng Skin Academy. Ang viral at trending skin-care tips ay nakabase lamang sa mga anecdotal evidence o misconceptions na walang wastong pagsusuri ng mga professional. Ang mga ganitong klaseng advice ay maaaring magdulot sa nakakapinsalang gawain na maaaring makasira sa moisture barrier ng balat o magpalala sa problema. Ang mga ganitong one-size-fits-all solutions ay kadalasang hindi pinapansin ang katotohanang iba-iba ang skincare needs ng bawat indibidwal base sa partikular na problema.
Kaya naman, sa Skin Academy, ang mga eksperto ay maghahandog ng practical skin tips at magbabahagi ng latest sensitive skin research kung paano mapanatiling malusog ang balat gamit ang kumpletong hanay ng mga produkto ng Cetaphil (Cetaphil, Cetaphil Bright Healthy Radiance, Cetaphil Baby, Cetaphil Pro-AD at BENZAC) na makakatulong na magkaroon ng 10x skin hydration pagkatapos ng unang paggamit.
Tuklasin nang personal kung bakit nananatiling pinagkakatiwalaan ang Cetaphil ng mga dermatologist at mga sensitive skincare user. Huwag palampasin ang pagkakataong tuklasan ang mga sikreto ng healthy, radiant skin.
Mga Kapamilya, humakot ng 31 nominasyon sa Awit Awards
Nasungkit ng recording artists ng ABS-CBN Music ang 31 nominasyon mula sa prestihiyosong 37th Awit Awards na nakatakdang maganap ngayong taon.
Limang nominasyon ang natanggap ng BINI para sa awiting Pantropiko kabilang na ang Song of the Year, Record of the Year, Best Performance by a Group, Best Pop Recording, at Best Engineered Recording. Kinilala naman ang kanilang Karera single sa mga kategoryang Best Inspirational Recording at Best Music Video.
Kabilang din ang viral hit ni Maki na Saan? sa Song of the Year at Best Pop Recording nominees. Samantala, ang Manila In Bloom album ng Nameless Kids ay nominado para sa Album of the Year.
May apat namang nominasyon na nakuha si Maymay Entrata kasama ang Best Global Collaboration Recording at Best Remix Recording para sa Autodeadma kung saan tampok si Wooseok ng Pentagon at Best Regional Recording at Best Engineered Recording para sa kantang Tsada Mahigugma.
Tatlong baguhang Kapamilya singers naman ang maglalaban sa Best Performance by a New Solo Artist kasama pa ang iba pang nominado: sina JEL REY para sa hele pono, Misha de Leon para sa Damdamin, at Lyka Estrella para sa Hawak Mo.
Nominado rin ang It’s Showtime kids na sina Imogen, Kulot, at Lucas para sa Best Recording by a Child or for Children para sa kanya-kanyang awitin: Mini Miss U ni Imogen, Clap Clap Clap ni Kulot, at Learn The 1,2,3 ni Lucas.
Ang ABS-CBN Christmas ID theme song noong 2023 na Pasko ang Pinakamagandang Kwento ay kasama naman sa mga nominado para sa Best Christmas Recording.
Ilan pa sa mga nakatanggap ng nominasyon mula sa ABS-CBN Music ay sina Jamie Rivera, Jed Madela, Francine Diaz, at KD Estrada para sa awiting Faith, Hope, and Love (Best Inspirational Recording) at Troy Laureta, Sheryn Regis, at Wendy Moten para sa Come In Out of the Rain (Best Global Collaboration Recording). Ang bersyon ni Troy ng Kay Ganda ng Ating Musika ay nominado rin sa Best Musical Arrangement category kasama ang Dirty Linen theme song na inareglo nina Rommel at Idonnah Villarico.
Kabilang din sa mga nominado ang Be Mine nina Akira at JL ng BGYO na inawit para sa Senior High (Best Original Soundtrack Recording). Pasok din sa Best Novelty Recording category ang Ms. Ukay ni Kim Chiu habang ang Bibitaw Na ni Darren ay nominado para sa Best Engineered Recording.
Ilan pa sa nakatanggap ng nominasyon ang P-pop group na 1621BC para sa awiting Laruan (Best Performance by a Group) at si Yosha Honasan para sa Karakaraka (Best Jazz Recording). Nakasama rin ang Autumn nina Ben&Ben at Belle Mariano sa mga maglalaban-laban para sa Best Remix category.
- Latest