Feeling entitled na ang isang male personality nung sa music industry siya pumasok. Palibhasa yayamanin kaya naman ang gusto niya ang nasusunod.
Minsan, nag-promote si male personality ng kanta niya sa isang radio show. Napili niyang puntahan ang radio show ng isang DJ na sikat na paboritong pakinggan.
Ang oras ng radio program ng DJ eh sa umaga, 9-12 noon. Expected ang presence ni male personality sa nasabing oras.
Pero nang araw na ng guesting niya, aba, binago niya ang oras at gusto niyang 1 p.m. na siya darating!
Naloka siyempre ang DJ dahil tapos ng 12 noon ng oras niya. Dinedma ng singer ang request ng singer at tinapos agad ang show at umuwi na!
Ngayon, acting na ang isang career ng male personality. Mas lalo siyang naging entitled dahil malapit sa kanya ang producer ng movie na isa siya sa cast, huh!
Sandro at Gerald, hot items!
Sa mga biktima umano ng sexual harassment, mas mabuti sigurong magsampa na ng kaukulang kaso sa piskalya nang sa ganoon eh makuha nila ang hustisya na gusto nilang makamit!
Pinagpistahan tuloy ang umano’y pang-aabuso kina Sandro Muhlach at Gerald Santos. Mabuti at tahimik lang ang talent ng TV5 na nabiktima rin.
Kapag nagkaroon ng probable cause para magsampa ng kaso sa korte ang piskalya, more o less eh matatahimik na rin sila at bahala na ang korte sa kahihinatnan ng reklamo nila.
Do not sleep on your rights! Ipaglaban ang karapatan!