Pero naka-P200 milyon na...Un/Happy, nabawasan ang lakas sa second week

Joshua Garcia at Julia Barretto

Hindi masyadong umabot sa second week ang lakas ng pelikulang Un/Happy For You.

Nung Wednesday ay bawas na ang pila nito sa Trinoma.

Tuwing Wednesday ang palitan ng sine.

Malakas ang first few days ng pelikula nina Joshua Garcia and Julia Barretto.

Pero umabot na pala sa P200 million as of Aug. 22 ang kinita ng comeback movie nina JoshLia na co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

At sa ikalawa nitong linggo, kasalukuyan pang napapanood ang pelikula sa mahigit 350 na sinehan sa Luzon, Visayas, at Mindanao habang nakatakda rin itong ipalabas ngayong buwan abroad sa USA, Canada, Australia, New Zealand, Italy, Malta, UAE, Saudi Arabia, Qatar, Bahrain, Saipan, Cambodia, at iba pa.

So far,  ito ang kauna-unahang local film na sumampa sa ganung box-office record.

Show comments