^

PSN Showbiz

Barbie, pinaghandaan si Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Barbie, pinaghandaan si Coco
Barbie Imperial

Napapanood na tuwing gabi si Barbie Imperial sa FPJ’s Batang Quiapo. Ginagampanan ng aktres ang pinakabagong karakter sa serye na si Tisay. “I’m a singer, also a sugalera and I steal cars for a living,” bungad ni Barbie sa ABS-CBN News.

Matatandaang nakapag-guest din ang aktres sa FPJ’s Ang Pro­binsyano noong 2020. Malaki ang pasasalamat ni Barbie dahil muling nabigyan ng pagkakataong makatrabaho ang pangunahing bida at direktor ng serye na si Coco Martin.  “The set is so light. Everybody is so kind. Everybody is so generous. I’m so thankful kasi siyempre mapi-pressure ka. Mini-make sure nila na alaga ako dito. I’m very grateful to the whole staff of Batang Quiapo especially direk Coco dahil ako ‘yung napili nila na mag-play ng role ni Tisay,” pagbabahagi ng dalaga.

Bilang paghahanda ay kinailangan pa umanong mag-training ni Barbie. Para sa dalaga ay mabuti nang handa siya sa lahat ng mga eksenang ipagagawa sa kanya. “I tried Muay Thai and boxing para lang ready ako kung may ipagawang action sa akin si direk Coco,” pagtatapos ng aktres.

Maricel, nakipagbalikan sa dalawang ex

Masayang-masaya si Maricel Soriano dahil muling nakatrabaho sina Albert Martinez at Edu Manzano. Magbibida ang tatlo sa Lavender Fields kasama sina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Jolina Magdangal at Janine Gutierrez. Namayagpag ang tambalan noon nina Maricel at Albert kaya kinikilig pa rin daw hanggang ngayon ang kanilang mga tagahanga. “Ang saya-saya ng set namin. Nalilito ako pero kasi nakakatawa sila dahil ‘pag meron silang gusto at napagbigyan mo, naku! Hindi mo mababayaran ang kaligayahan sa puso nila (mga tagahanga ng tambalan nina Maricel at Albert). Sobra, grabe sila, ‘pag meron silang nagustuhan, ay! ‘yun na! At naibigay, at nakita nila, na kinilig sila, nako! ‘Yun na ‘yun,” nakangiting pahayag ni Maricel.

Nanatili naman ang pagiging magkaibigan ng aktres at Edu mula nang magkahiwalay noong 1991. Matatandaang nagpakasal sina Maricel at Edu noong 1989. “Kasi kami naman ni Edu, parang halimbawa, nagkita kami ngayon. Kinabukasan, parang kahapon lang kami nagkita ulit. Parang dalawang linggo na tayo hindi nagkita? Ba’t parang kahapon magkasama tayo, hindi naman tayo magkasama. Ngayon lang tayo nagkita, ‘yung mga gano’n. Kasi nga magkaibigan kami,” kwento ng Diamond Star.

Samantala, mahigit limang dekada nang aktibo sa show business si Maricel. Mula noon pa man ay talagang mapili na umano ang aktres sa mga proyektong gagawin. “Mapili ako eh, gusto ko ‘yung makaka-relate sila. Nanonood ako, gusto ko makaka-relate ako. Parang in the same breath na maka-relate din ‘yung mga tao sa gagawin mo. Parang kung ako ‘yon, gagawin ko rin ‘yung ginawa niya. ‘Yung mga gano’n. O kung ako ‘yan, hindi ganyan ang gagawin ko, tatakbo ako,” paliwanag ng beteranang aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with