^

PSN Showbiz

Anne, papalitan ni Bela sa Showtime?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Anne, papalitan ni Bela sa Showtime?!
Anne Curtis at Bela Padilla

Gaano katotoo ang naglalabasang balita na magiging host na ng It’s Showtime si Bela Padilla? Ang tanong ng mga tao – dagdag ba si Bela o may mawawala at papalitan siya sa natu­rang noontime show?

Saan nanggagaling ang mga ugong na ganito?

Totoo bang iiwan ni Anne Curtis ang kanyang home program sa Kapamilya network?

If ever, baka naman pansamantala lang – habang nagte-tape siya ng bagong teleserye na local edition ng It’s Ok To Not Be Ok. Aabangan natin ito!

Chavit, hinihiritang mamigay ng reward sa paghanap kay Alice Guo!

Nasaan si Alice Guo? ‘Yan ang tanong ng mga tao!

Isang insulto sa mga Pilipino ang pagtakas niya sa ating bansa at pati ang Pangulo natin ay desididong patawan ng parusa ang sinumang may kinalaman sa pagkakatakas ni Alice.

Ang maganda niyan ay nakapaghanda ng Reporter’s Notebook ng isang documentary this weekend sa GMA 7. Interesante ito, paano kaya ito makakatulong sa paghahanap kay Alice Guo?

Sabi nga ng ilang netizens, kung si former governor Chavit Singson ay nakakapagbigay ng pabuya para sa pagbabati ng pamilya Yulo, puwede bang pahalagahan din ang paghahanap sa isang taong niloko ang sambayanan?

EJ, may ka-tie sa number 3!

Mukhang imbes na magpa-presscon at mag-media release ay nag-training pa nang nag-training ang ating pole vaulter na si EJ Obiena na nag-tie for third place sa atletang taga-Norway at Australia sa Lausanne leg ng Diamond League sa Pole Vault.

Second place ang taga-America na si Sam Kendricks samantalang si Armand Duplantis ng Sweden ay nananatiling number 1.

Ang tanong: paano pa maiaangat ni EJ ang kanyang standing lalo pa’t sa recent world standards sa kanyang sport ay bumaba na siya from number 2 to number 3?

At ngayon sa nilaruan niya, may ka-tie pa siyang dalawa sa number 3?

Consistency is the key, EJ!

Musical ni pilita, ‘di na tuloy?!

Birthday ng Asia’s Queen Of Songs Pilita Corrales kahapon at hinihintay na ang documentary ng kanyang buhay na gagawin nina Baby Ruth Villarama at Chuck Gutierrez at produced ni Janine Gutierrez.

Mayroon ding isang concert na inihahanda na pamumunuan ni Direk Rowell Santiago at ang grupo nito. Ano na ang nangyari sa PILITA musical na pinaplano noon pa na nakamatayan na ni Floy Quintos?

Sana tuluy-tuloy na ang pagpaparangal kay Tita Pilita habang kaya pa niyang ma-appreciate ang lahat ng ito at ang ganda ng kanyang buhay, ‘di ba?

Mula sa amin sa PSN, happy birthday Tita Pilita!

Nakakata-quote:

“You may have unfavorable opinion of them now, but Jojo and Dode are people too—with family and friends who love them and who are also hurting.”

“I know what he’s capable of and what he’s not. He’s far from perfect, but I’m certain that the people who truly know Jojo have experienced the love and light in his heart.” – mula sa partner ni Jojo Nones na si Ryan Benitez

vuukle comment

ACTRESS

ANNE CURTIS

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with