Karen Davila, pinasalamatan ng mga ‘di kampi kay Jinggoy

Karen Davila
STAR/File

Pinasalamatan si Karen Davila ng mga ‘di kampi kay Sen. Jinggoy Estrada. Kabilang nga si Karen sa mga nagpaalala kay Sen. Jinggoy na hindi sila ‘gods.’

Sa tweet ni Ms. Karen: “To our lawmakers,

“Stop victim blaming.

“Treat victims with compassion and sensitivity. Reliving a traumatic experience is horrific, more so in a public hearing.

“Stop barraging, asking “why did it take you 5 years? You should’ve filed a complaint immediately”. Victims are scared. They feel ashamed.

“And this kind of public shaming will not help victims to come out.

“Let me remind our senators, you serve the people. You are not gods. Do not act like it.”

May ilan pa ring hindi gets ang ginawa ng senador / aktor, lalo na sa tono ng pagtatanong niya kay Gerald Santos.

Nauna nang sinabi ni Gerald na hindi naman talaga GMA ang kalaban niya rito kundi ang nanghalay sa kanyang musical director. “Hindi po gma network ang kalaban ko kundi ‘yung mga tao na galit sa akin sa loob ng gma dahil sa pagsusumbong ko at ayaw akong bigyan ng trabaho nung mga panahong ‘yun..

“Lumipat po ako sa TV5 dahil may trabahong naghihintay sakin dun at tatanggapin lamang nila ako kung may release papers.

“Pero kung sinagot po nila ang aking kahilingan na mabigyan ng trabaho ay hindi po ako aalis dahil sa simula at simula ay isa akong Kapuso.

“The fact na tinanggal nila ang aking inakusahan ay nangangahulugang may probable cause. Pero wala kmi natanggap na official reply mula sa kanila kaya after one year ay sumulat ang manager ko sa kanila,” pahayag ng singer.

Incognito nina Richard at Daniel, pinakita sa Kapamilya homecoming

Binuksan ng ABS-CBN ang mga pintuan sa kanilang tahanan upang pasalamatan ang iba’t ibang brand partners sa kanilang suporta sa Kapamilya Trade Event kahit na nga tinuturing na silang content provider na ginanap noong Agosto 14 hanggang 16.

Nagsilbing reunion para sa ABS-CBN at mga advertiser ang trade event na tinawag na Kapamilya Homecoming mula nang magtapos ang pandemic.

Umapaw din ang kasiyahan dahil sa world-class entertainment na hatid ng Kapamilya stars at ang pagdalo ng ilang mamamahayag ng ABS-CBN sa trade event.

Bukod dito, nakabisita rin ang advertisers sa PBB house, nakilahok sa TV Patrol news challenge, at nagkaroon ng eksklusibong pagkakataon na maging bahagi ng Rainbow Rumble, ang bagong game show ng ABS-CBN na pinangungunahan ni Luis Manzano.

Nakita rin ng mga advertiser ang mga teaser para sa paparating na serye nila. Kabilang dito ang Saving Grace, It’s Okay Not to be Okay, Incognito nina Daniel Padilla, Maris Racal, Anthony Jennings, at Richard Gutierrez; at ang Nobody na pagbibidahan naman ni Gerald Anderson.

“This really provides a homecoming, a big homecoming kasi matagal na namin silang hindi nakikita at nami-miss namin sila. Naipakita namin sa kanila na sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, we evolved into something that is still their best conduit, “sabi ni August Benitez, ABS-CBN head ng Integrated Sales.

Show comments