Maricar, ‘di naapektuhan ng trauma

Maricar Reyes
STAR/File

Hindi naging madali para kay Maricar Reyes ang eskandalong kinasangkutan noong 2009. Ayon sa aktres ay malaki ang mga pagbabago sa sarili kaya matapang na hinarap ang mga nangyari. “I feel like I’ve been turned inside out. Kasi all my life parang the way I would do things, the way I would live life feeling ko na tama, is you know, you look good, external stuff. Look good, people don’t see the bad stuff you’re doing, you’re okay,” makahulugang pahayag sa amin ni Maricar sa Fast Talk with Boy Abunda.

Mas napalapit umano ang aktres sa Panginoon pagkatapos pumutok ng kontrobersiya. Natanggap ni Maricar ang mga kamaliang nagawa noon. “I saw my part in it. Kasi for the longest time I couldn’t see what I did wrong like or parang the thought was, what did I do to deserve something this big? I can’t talk about this without going to God. When I see my situation through His eyes, and I start to also know kung sino ba talaga Siya. Mas nagiging klaro na, ‘Sablay ka din eh.’ It’s accumulation of your little choices that were hurting God and hurting yourself in the process,” pagbabahagi niya.

Nagsisilbing inspirasyon si Maricar sa mga kababaihan na may kaparehong karanasan. Mayroong ilang biktima rin na nakakausap ang aktres sa mga nakalipas na taon. “I was introduced to women na sobrang brutal din with their struggles and very honest na parang, ‘Oh, ito ‘yung sablay ko,’ na yes I went through this trauma. But actually, what dug me into a deeper hole was my response not the trauma,” paglalahad ng aktres.

Jolina, nanibago sa trabaho

Nakabalik na si Jolina Magdangal sa paggawa ng serye. Kabilang ang aktres sa Lavender Fields kasama sina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Edu Manzano, Albert Martinez at Maricel Soriano. Aminado si Jolina na talagang nanibago sa pagtatrabaho ngayon. “Ibang-iba na ‘yung panahon ngayon sa panahon dati. Kasi small details, pinag-uusapan. May mga look test, dati wala namang gano’n. Basta ito ang karakter mo, magdala ka ng mga gamit. At kami may dala kasi dati ng mga damit. Kaya talagang meron akong Tupperware na ito mga pangmahirap, ito pangtulog,” kwento ni Jolina.

Kahit mahigit tatlong dekada nang aktibo sa show business ay may mga kasamahan sa serye na ngayon lamang nakatrabaho ni Jolina. Matatandaang Flordeliza noong 2015 pa ang huling seryeng nagawa ng aktres. “Honestly, lahat noong mga nasa taping, first time kong makatrabaho maliban lang do’n sa nag-iilaw. Kasi bata pa ako, kilala ko na siya. Pero lahat, parang halos bago from the AD (Assistant Director), PA (Production Assistant). First time kong nakatrabaho si direk Manny (Palo) and direk Jojo (Saguin). Although si direk Jojo, matagal ko na siya nakikita dito sa ABS-CBN noong bata pa ako,” pagdedetalye ng aktres.

Maging sa mga ginagamit sa taping ay talagang nanibago raw si Jolina. “Lahat bago, pati kung paano ‘yung mga ginagamit. Paperless na siya, kung malabo mata mo eh, eh di i-zoom mo na lang. Kung magno-notes ka, make sure na ‘yung tablet mo ay may pangsulat. Okay naman na meron ka pa ring paper, kung doon ka sanay. Pero iba na ‘yung ngayon dahil sa panahon na rin ng gadgets and social media and lahat, may pagka-professional. Kung may oras na ganyan, kailangan natin tapusin ‘to ng ganitong oras,” dagdag pa ng singer-actress. (Reports from JCC)

Show comments