Siguro malalim ang tampo sa puso ni Caloy Yulo para mahirapan siyang kalimutan ang galit sa puso niya.
Imagine na balewala ang P5 million na ibibigay ni Chavit Singson basta sana magbati lang silang pamilya. Para hindi ito gawin, talagang matindi.
At parang kahit nasa alapaap na siya hindi pa rin niya matanggap, ibig sabihin sobra sa lalim.
Pero kahanga-hanga dahil kahit meron siyang personal problems na focus pa rin niya ang sarili para manalo ng gold. Meron siyang discipline na kailangan ng isang athlete.
Tiyak na malayo pa ang aabutin niya sa career niya.
Hintayin natin siya, kung ano ang desisyon niya sa family life nila. Kung gusto niyang ayusin, aayusin niya iyan. Nasa kanya ang desisyon.
Anuman ang gusto niyang mangyari, buhay niya at desisyon niya. Basta naibigay niya ang karangalan para sa bansa natin, magpasalamat tayo.
Salute, Carlos Yulo, bongga ka.
Usec. Cris, maraming magandang plano
Parang maganda ang magiging resulta ng mga pelikulang isasali sa festival. Kaya hopeful ang lahat.
Pero mas malaki ang hope ko sa DTI o Department of Trade and Industry dahil sa appointment ni Sec. Cris Roque bilang head nito.
Alam namin nina Salve, Gorgy Rula at Pat-P Daza kung paano magtrabaho at katindi ang dedikasyon sa trabaho. Para sa mga nakakakilala kay Cris Roque alam nila na suwerte ang DTI sa appointment niya bilang pinuno ng kagawaran.
Talagang she is fitted to the task at malaki ang maitutulong upang lalo pang umunlad ang naturang departamento.
Ngayon pa lang tiyak na marami nang magandang plano si Cris Roque na gustong gawin.
Alam namin dahil sa trabaho tiyak na mababawasan ang oras ni Cris Roque sa kanyang social life, pero ok lang dahil para naman sa DTI ang oras na ibibigay niya. Siguro magiging bihira na lang ang mga lunch chikahan namin pero ok lang basta maging maayos ang patakbo niya sa DTI. Congrats, Sec. Cris Roque, bongga ka talaga.