Sen. Jinggoy, nangatwiran sa ginawa kay Gerald

Sen. Jinggoy Estrada
STAR/File

As of presstime, hindi pa rin nakalabas ng Senate detention ang isa sa GMA independent contractors na si Jojo Nones, pagkatapos siyang i-contempt ni Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagsisinunga­ling daw nito.

Kahapon ay naglabasan sa social media ang kuha ni Sen. Jinggoy na dinalaw si Jojo Nones sa detention. Nandun din ang legal counsel ng writer/director na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Sandaling nakausap ko si Sen. Jinggoy at inamin niyang dinalaw niya si Jojo para sabihin kung ano talaga ang totoong nangyari. Ayaw pa ring aminin ni Nones ang mga statement na inilabas ni Sandro Muhlach. Para kay Sen. Jinggoy, aminin lang ni Nones ang buong katotohanan bahala na ang korte sa kanya, dahil naisampa na rin naman ang kaso. Pero pinanindigan ng akusado ang kanyang pagtanggi.

Sabi ni Atty. Maggie, nag-file na rin sila ng motion to lift order of contempt and release of resource person under detention.

Kailangan daw niyang mailabas si Jojo dahil pinaghahandaan niya ang counter affidavit para sa kasong isinampa ni Sandro sa Department of Justice.

Pero sabi ni Sen. Jinggoy mananatiling naka-detain si Nones hanggang sa umamin ito.

Samantala, nakakatanggap pala si Sen. Jinggoy ng ilang text message mula sa ilang kaibigan dahil sa pag-handle raw nito sa kaso ni Gerald Santos. “I was fair in judging,” bulalas ng senador / aktor nang makausap namin sa telepono.

“Marami ang nagsasabi na masyado raw akong tough. I was not tough. I was not defending GMA.

“Nung nagreklamo siya after 5 years, inaksyunan naman ng GMA. Ano pa ba ang gustong mangyari, sabi kong ganun,” dagdag niyang pahayag.

Nagkausap pa raw sila uli Gerald at sinadya pa raw siya sa opisina niya para magpasalamat. “Tapos nung nagkaroon ng break, nag-usap pa kami pinatawag ko. Ano pa ba ang gusto mong mangyari diyan?

“Kung gusto mong kasuhan, wala pa naman yatang prescriptive period ‘yan, kasuhan mo na, parang ganun.

“Umakyat pa ‘yan sa opisina ko, nagpasalamat pa sa akin e. Tapos sasabin, I was too tough.

“Kung gusto mong i-pursue… kasi in fairness naman sa GMA ginawa naman lahat. Inaksyunan naman,” tugon pa ni Sen. Jinggoy.

Kaya dun sa mga tumutuligsa sa kanya, at ‘yung may ilang kaibigan pang nagte-text sa kanya na hindi nila nagustuhan ang pag-handle raw nito sa complaint ni Gerald, gustong iparating ni Sen. Jinggoy na i-check muna nang mabuti.

“They better check their facts first before they judge me,” pakli pa niya.

DA, may nakahanda sa bagong KathDen movie!

Napatunayan na talaga namin kung gaano kalakas ang bandang December Avenue na ang daming hugot songs na napasikat.

Sa Aug. 30 na ang concert nilang Sa Ilalim ng mga Bituin: December Avenue Concert na gaganapin sa SM MOA Arena.

Na nung ini-release ang tickets, ang bilis naubos.

Pero nagkaroon sila ng media confe­rence sa The Glassroom ng Okada Manila noong Martes para i-announce na nag­dagdag sila ng SRO. Isa sa nakatsikahan namin sa December Avenue ay meron na raw silang kantang nakahanda para gamiting official theme song sa pelikulang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang kanta nilang Kung Di Rin Lang Ikaw at Sa Ngalan ng Pag-ibig ang ginamit na OST sa Hello, Love, Goodbye, at lalong nag-hit ang mga kantang ito na nakatulong din sa box-office success ng pelikula.

Naging paboritong kanta nga ni Alden ang Kung Di Rin Lang Ikaw sa mga personal appearance niya at shows sa ibang bansa at probinsya.

Ginawa na ng drummer nilang si Jet Danao ang kantang Paraya ang title. Sana, puwede raw ito sa movie nila ay magustuhan daw ni direk Cathy Garcia-Sampana. “Given the chance why not. Pero of course very honored po to be part of the first movie.

“As much as possible, siyempre gusto namin talaga. Pero we haven’t heard from direk Cathy pa e,” pahayag ni Zel Bautista na vocalist ng naturang banda.

“Ano lang naman… personal experience din about letting go. Mas pinili mong maging masaya siya. Sa movie, hindi namin alam kung ano ‘yung puwede e.

“Malay n’yo kung sakali. Baka matugma naman e,” pakli ni Jet Danao sa nakahanda nilang kanta sakaling kailanganin ng KathDen movie.

Show comments