Kinasuhan ni Liza, walang planong makipag-ayos
Nagbigay ng update si Liza Diño muli sa kanyang inihaing libel case. “UPDATE: ABSENT. Kung wala kayong kasalanan, bakit ayaw nyo humarap?”
Tuloy, may isang abogadong nag-post nito na puwedeng kapulutan ng aral.
“What is a simple meaning of mediation? A third party intervention to help two or more conflicting parties arrive at reconciliation, settlement or compromise. When a respondent refuses mediation, this is a clear exercise of his/her right to have a case ruled on its merits because he/she has committed no crime.”
So kailangan pa bang magdrama kapag ayaw ng mga taong makapagkasundo?
Docu ni Ramona Diaz, ‘di tanggap ng Pinklawan
Palabas na kahapon na documentary na And So It Begins ni Ramona Diaz na so-so lang ang pagtanggap ng mga Pinklawan. Bakit kaya?
Marahil dahil hindi nito nakuha ang lawak at lalim ng movement na pinamunuan ni dating vice president Leni Robredo.
Ang tanong tuloy ng mga nakapanood – hindi kaya mas lubog si Ramona Diaz sa kuwento ni Maria Ressa kaysa kay Leni?
Gf ni Caloy, papasok sa Vivamax
Totoo ba ang balitang may planong kunin si Chloe San Jose (girlfriend ni Carlos Yulo) sa isang pelikulang pang-Vivamax Prime?
Totoo bang gusto siyang ipares kay Mark Anthony Fernandez?
Ang tanong, gugustuhin ba naman ni Chloe itong chance na ito para sumikat siya nang sarili niya na hindi nakakabit kay Caloy?
At ok ba ito kay Caloy kung sakali?
Medyo may laman ang pinakawalang update diumano ni Atty. Raymond Fortun tungkol sa pamilya Yulo.
Aniya, “On Aug 14, the son joins a parade and makes a post on Facebook. “Kitakits” he said to his dad. After 4 days, no reunion. Not even a single phone-call or text to anyone of the family member as of 10pm of Aug 18.”
Kasama ba ito sa mga nag-leak na info mula sa FB Messenger ni Atty. Fortun? Bagama’t wala namang deadline ang pakikipag-ayos sa pamilya, bakit kaya naipagpapaliban ang ganitong paglalagay sa tamang hulog ng lahat?
Sana kahit wala sa mapanuring mata ng publiko, mabuo at maayos muli ang pamilya Yulo.
Nakakata-Quote:
Sagot ni Senator Jinggoy Estrada sa mga nagsasabing nagsungit siya sa hearing pati na kay Gerald Santos. “They better check their facts first before they judge me.”
- Latest