^

PSN Showbiz

Hunk actor, buhay na buhay kahit wala masyadong raket

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karay-karay palagi ng klosetang gay produ ang isang hunk aktor sa mga lakad niya kahit hindi naman kailangan ang pre­sence ng hunk aktor.

May lihim kasing relasyon ang dalawa na kahit alam ng mga kaibigan ng produ ay hindi nila ito mabulgar dahil hindi pa open ang accla!

Of course, may biyaya namang natatanggap mula sa gay produ ang hunk actor na sapat kahit matumal ang dating ng projects sa kanya, huh!

December…, 15 years na

Matagal na sa music industry at ang album na Langit Mong Bughaw ang most streamed album of all time ng bandang December Avenue.

Kaya naman sa 15th year ng banda sa industry, isang pasabog na concert ang handog ng December Avenue sa Aug. 30, 2024 sa Mall of Asia Arena titled Sa Ilalim Ng Mga Bituin.

Ang December Avenue ay binubuo nina Zel Bautista on vocals and acoustic guitars, Jet Danao on drums and backing vocals, Don Gregorio on bass guitar, Jem Manuel on lead guitars at Gelo Cruz on keyboards and backing vocals.

Magaganda at bago ang tunog ng December Avenue na isa sa hit songs ay ang theme song ng Kathryn Bernardo at Alden Richards mo­vie na Hello, Love, Goodbye na Kung Din Rin Lang Ikaw na collab si Moira.

Nonstop ang trabaho ng December Avenue na may tatlong milyong monthy listeners sa Spotify at magkakaroon ng United Kingdom Tour. Ang Okada Manila ang official residence ng December Avenue para sa kanilang Aug. 30 concert.

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with