^

PSN Showbiz

Ang Sweetnotes

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Matagal na nagkasamang tumugtog sa bandang Soundworks sina Jeffrey at Charlotte Mae Bactong. (bakit ‘di nyo ko sinama?!) Sa tagal ng kanilang pagsasama, nabuo ang isang collaboration at nauwi sa romance. (ayan tayo e!) 2017 nang magpakasal ang dalawa. (may forever ang koya at ate mo!)

Nagdesisyon silang tumulak ng China para pagbutihin ang kanilang craft at pagyamanin pa ang kanilang musical skills. (may pagpapayamin! bet ko ‘yan!) Tinawag nila ang kanilang tandem na Sweetnotes. (sweet-sweetan na sila!)

Nag-stay sila nang matagal doon bilang entertainers sa isang hotel hanggang mahasa ang kanilang galing. (hasa-hasa for the win!) 2019 ay bumalik din sila ng Pilipinas pero inabutan ng pandemya. Rason para hindi na sila makabalik doon. (pang worldwide daw kasi kayo!)

Hindi nagpaawat ang dalawa. (bawal umarte!) Gumawa sila ng live streams tuwing sila’y nagse-set. At sa isang pagkakataon, isang livestream nila sa Fish Caught KTV Bar ang naging viral. Dito na dumami ang kanilang fans. (mapa-viral ha!) Ang video ng kanilang mga awiting Parting Time, Iniibig Kita, at Minamahal Kita ay sought-after sa Youtube, lalo na ng mga OFWS. (napapa-emote raw kasi sila!)

Sa ngayon ay mayroon silang 3.6 million Facebook followers at 1.15 million subscribers sa kanilang Youtube account. Dumagsa rin ang mga gigs nila. (left and right, right and left, ganyan!)

Tanggap naman nila ang pagko-compare sa kanila sa ibang grupo tulad ng MYMP. Pero hindi naman daw nila inaangkin ang mga kanta nito. Gusto lang daw nilang magkaroon ng kanilang version at maipakita sa bagong generation. May mga niluluto na raw silang original songs para sa kanilang fans. (ginigisa gisa na raw po!)

Ang Sweetnotes ay magkakaroon ng scheduled live performances sa iba’t ibang US States ngayong October hanggang December. Ito ay hatid ng Edren Entertainment LLC na pinamumunuan ni Mr. Edgardo Vera Tividad. (ay sama ako, marunong po ako mag-english!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

MR. FU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with