^

PSN Showbiz

Kaso ni Gerald, pasok pa sa prescriptive period

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Ang prescriptive period to file a Criminal Case ng Rape ay 20 years, kaya mukhang pasok pa rin sa ganu’ng time frame ang nangyari kay Gerald Santos. Magsasampa raw siya ng kaso laban sa musical director na humalay sa kanya?

Sino kaya ang magiging lawyer niya kung si Atty. Ferdie Topacio ay nandu’n lang sa Senate hearing para tulungan siya. Para sa peace of mind na rin ni Gerald ang gagawin niyang ito.

Ang tanong lang, ano kaya ang magiging epekto nito sa kanyang career?

Annette Gozon, nagsalita

“Sorry but we cast based on merit and audience appeal,” ‘yan ang post ni Atty. Annette Gozon sa kanyang FB.

Ang tanong, kanino at sino kaya ang pinatutungkulan noon? Kasama ba si Gerald Santos doon, na ni-release nila bilang artist at hindi na hinabol pa?

Jinggoy, napamura

Sa Senate Hearing on Public Information and Mass Media, ang tanong ng mga tao, bad mood ba talaga si Senator Jinggoy Estrada? Bakit parang ang init-init ng ulo niya, to the point na umabot pa siya sa pagmumura? Sobra bang na-test ang kanyang pagiging cool bilang mambabatas?

ASAP at Taste Of Manila, pinagkumpara

Dahil magkasunod ang events na isinagawa abroad lately – ang ASAP event sa L.A ng ABS-CBN at ang Taste Of Manila naman sa Canada ng GMA, nakukumpara tuloy ang dalawang events.

Major sold out ang naghuhumiyaw na pag-advertise ng Kapamilya network sa kanilang event. Tinodo rin naman kasi nila ang star power sa kanilang selebrasyon. Sa GMA, ok naman daw, may tao rin naman ang event nila, pero on a smaller scale. Pero ang sabi ay “It’s really the event ang pinupuntahan, not much the stars,” and sabi pa nga ng marami raw, “Kami nga, noong nakita na namin si Alden Richards, ok na kami... bumalik na kami sa hotel.”

Ganern?

Nakakata-quote:

“Manila, I keep coming back to Manila... Simply no place like Manila... Manila, I’m coming home!” – Isko Moreno

So paano, lalabanan kaya niya si Honey Lacuna as mayor? Abangan!

vuukle comment

SHOWBIZ

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with