^

PSN Showbiz

Ruffa at Yilmaz, may pakilig!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Ruffa at Yilmaz, may pakilig!
Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez

Kinakiligan ng netizens ang convo nina Ruffa Gutierrez at ex nitong si Yilmaz Bektas sa Instagram ng aktres. Nag-post si Ruffa na ipinaalam na nasa Toronto, Canada siya at first time niya roon courtesy of Kabayan Remit.

Isa sa mga nag-comment sa post niya ay si Yilmaz na ang sabi, “You look good” na sinagot ni Ruffa ng “@yilmazbektas. Official you like it when I look like an Eskimo!” Sumagot uli si Yilmaz ng “It is the wo­man herself who makes to clothes beautiful, if the woman is the beautiful no matter what she wears, that clothes will be beautiful.”

Nakakatuwa ang reaction ng netizens sa convo na ito, may mga nagpayo na magkabalikan na sila at kalimutan na nila ang nangyari sa kanila. Kaya lang, ang ibang netizens, hindi makalimutan na nag-cheat ito kay Ruffa noong mag-asawa pa sila. Higit sa lahat, sinaktan daw nito si Ruffa, kaya kung sila ang masusunod, ayaw na nilang mag­kabalikan pa ang mag-ex.

Hindi ba, paladesisyon ang ibang netizens? Saka, convo lang ‘yun at may asawa na rin yata si Yilmaz ngayon. Si Ruffa naman ay meron nang actor-pulitiko, kaya tama ang comment ng iba na maging masaya na lang tayo sa kanilang dalawa at kung anong meron sa kanilang friendship ngayon.

David, na-starstruck sa Japanese porno star

Nakakatuwa si David Licauco na naging open sa pag-amin na na-starstruck siya kay Maria Ozawa nang unang makita sa set ng Pulang Araw. Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ikinuwento nito nang una niyang makita ang Japanese actress.

“Actually, paakyat dito, nakita ko si Maria Ozawa. Nagulat ako andyan siya saka ang ganda niya,” ani David.

Si Maria ang gumaganap na ina ni David sa Pulang Araw at ibig sabihin, hanggang hindi mawawala ang karakter nito at karakter ni Jacky Woo na gumaganap na ama niya sa series, madalas niyang makita si Maria.

Naalala tuloy ng fans ni David nang mag-guest siya sa Family Feud nang matanong tungkol sa mga pangalang Maria, ang isinagot ng aktor ay Maria Ozawa. That time, na-meet na niya ang Japanese actress at dahilan para tuksuhin siya ng kanyang fans.

Samantala, open na ang Kuya Korea restaurant ni David sa Araneta Center sa Cubao na nasa Fiesta Carnival.

Robin at Mariel, lalayas muna!

Mukhang magbabakasyon sina Sen. Robin Padilla at wifey nitong si Mariel Rodriguez dahil sa comment nito sa Facebook account ni Mariel patungkol sa kanilang 14th anniversary as a married couple.

Comment ni Robin, “My babe. Soon we will be far and way. Wait for me.”

Kung saan pupunta ang controversial couple, malalaman din natin.

Napansin pala namin na sa anniversary post ni Mariel, walang basher at mukhang naka-move on na ang netizens sa marital rape at sexual harassment isyu kay Robin. Puro anniversary greetings ang nabasa namin. May mga nag-wish pa na maging masaya sila at maging forever ang kanilang pagsasama at kanilang mga anak.

Sa IG din ni Mariel bumati sa kanya ang mga kaibigan sa showbiz at lahat ay positive ang comment. Parang kailan lang na binanatan ang mag-asawa at kung anu-anong masamang mga salita ang ipinukol sa kanila.

vuukle comment

ACTRESS

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with