^

PSN Showbiz

Magdedemanda rin!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Magdedemanda rin!
Gerald Santos
STAR/File

Talagang nasa Senate hearing din si Gerald Santos. At nakailang parts na rin siya ng video. Ok naman ang intensyon niyang mapigilan ang kahit na anupang panghaharass muli. Pero katulad ni Sandro Muhlach, magdedemanda rin ba siya para hindi na lang sa media idinudulog ang kanyang paghingi ng hustisya? Tapos susulat ba siya ulit sa GMA na sana payagan na siyang mag guest sa Entertainment shows ulit? Ano kaya ang masasabi rito ng GMA executive na si Ms. Darling de Jesus?

Gymnast, nasaktan sa Heroes’ Welcome

Nasaktan talaga ang gymnast na si Levi Jung-Ruivivar kasama ang kayang fellow gymnasts Emma Malabuyo at Aleah Finnegan, na hindi sila nakasama sa Heroes’ Welcome Parade noong nakalipas na araw. “I was really hurt considering this was once in a lifetime opportunity I missed out on. I wanted to be part of the celebration with my fellow Olympians,” sabi ni Levi na hindi raw sila talaga nasabihan tungkol sa event kasama ang screenshot ng conversation nila ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion na ang sagot diumano na ang pagpunta sa event ay para sa mga medalists lamang.

“I truly wished I could have gone considering I have sacrificed endlessly to perform for my country and make everyone proud,” sabi ni Levi.

Conrad Onglao, kinansela lahat ng kliyente para kay Zsa Zsa

Grabe ang suporta ng life partner ni Zsa Zsa Padilla na si Architect Conrad OngLao na kahit birthday niya ay kinancel lahat ng appointments at clients niya para bantayan ang maysakit na Divine Diva na nagpaopera sa Singapore kamakailan.

Ano ang sakit ni ZsaZsa? Isang pinostpone niyang procedure dati pa na naramdaman niyang kailangan nang ayusin.

Martin, pakakasal

Papakasalan nga ba ng Martin Nievera ang kanyang longtime girlfriend na si Anj del Rosario? Mukhang gusto na ng Concert King! Abangan natin ang susunod na kabanata. Malay mo, sa mismong King 4ever siya magpropose sa Queen ng kanyang puso. Malay mo talaga, ‘di ba?

Nakakata-Quote:

“Buking na ayaw pang umamin.” Pina-cite for contempt ni Sen Jinggoy Estrada si Director Jojo Nones sa pagsisinungaling sa Senate Comm. On Public Information Hearing.

Sabi ni Estrada, itinatanggi ni Nones na hindi sila nag-alok ng pera na ibibigay sa isang charitable institution dahil sa ginawang pang-aabuso kay Sandro Muhlach.

Ngunit sinabi ni Sen. Jinggoy, nasa affidavit na isinumite ni Atty. Annette Gozon Senate hearing na nag-alok sina Nones at Richard “Dode” Cruz ng pera.

Paano na?

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with