^

PSN Showbiz

Aljur at AJ, pinagdudahan sa ‘anak’

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtatalunan ng netizens kung anak daw ba nina Aljur Abrenica at AJ Raval ang batang babae na kasama nila sa isang larawan. May naniniwalang anak ng dalawa ang bata na kinontra ng mas nakararami.

Malabo raw na maging anak nila ang bata who is about six years old, eh wala pang six years ang relasyon ng dalawa.

Kung magkaka-anak man daw sina Aljur at AJ, mga two years old pa lang. Kaya malabong maging panganay nila ang batang babae.

May nakaalala namang minsang nabalita na may anak si AJ bago pa nito nakarelasyon si Aljur, baka ‘yun daw ang nakitang kasama nila ng aktor.

May nagtsika naman na pamangkin ni AJ ang bata, anak ng kapatid niya at isinama lang sa lakad nila.

In fairness, relevant pa rin sina Aljur at AJ, ang tagal walang balita sa kanila at sa minsan nilang pagpapakita sa publiko, pinag-usapan agad.

Cindy, ‘di nakakalimutan ang ginawa ni Willie

Co-host ni Willie Revillame si Cindy Miranda sa Will to Win at itinanggi rin nito na mawawala na sa TV5 ang nasabing show ni Willie. Wala raw sinasabi sa kanila si Willie kaya tuluy-tuloy pa rin sila sa pagpapasaya.

Nag-i-enjoy si Cindy sa pagho-host sa WTW at nagbigay pa nga ito ng sample kung paano siya mag-host na may kasamang sigaw para mas masaya. Naikuwento na rin ng sexy star sa mediacon ng Viva Films movie na 40 na si Willie ang naka-discover sa kanya kaya nasa showbiz siya ngayon.

Nakita raw siya ni Willie sa isang resto and that time, kasama niya ang kanyang ex, nilapitan at tinanong siya kung gusto niyang maging co-host sa show nito. Hindi lang nabanggit ni Cindy kung noong nasa ABS-CBN pa o nasa TV5 siya unang napasama sa show ni Willie, pero ang TV host pala ang discoverer niya. Hanggang napunta siya sa Vivamax at ngayon, nasa mainstream na. “Masaya ako na nakatawid ako sa Viva Films from Vivamax at nabibigyan ako ng magagandang projects gaya nitong “40.” Kahit noong wala pa ako sa showbis, gusto ko talagang mag-artista. Hindi ang maging beauty queen o maging sexy star ang dream ko, kundi maging artista talaga,” banggit ni Cindy.

Isa pang ipinagpapasalamat ni Cindy na nakatawid siya sa Viva Films dahil napapanood na ng kanyang pamilya ang mga pelikula niya. Noong sa Vivamax pa siya active, hindi siya mapanood ng pamilya niya, lalo na ng lola niya. Hindi rin niya mai-promote sa mga kaibigan ang Vivamax movie niya.

Ngayon, all out na si Cindy sa pagpo-promote ng 40 na showing sa September 4, 2024 in cinemas nationwide.

Sa direction ni Dado Lumibao na nangakong, pakikiligin, mabibigyan ng hope, at paiiyakin kayo sa pelikula. Si Martin Nievera ang kumanta ng theme song na Leaves ng Ben&Ben.

Sandro, matapang na!

Ang matapang na post ni Sandro Muhlach sa kanyang Instagram na “I will not be silenced. The truth will prevail.”

Ito ay pagkatapos ng pormal niyang pagsampa ng kaso sa Department of Justice.

Nakasulat ang matapang na pahayag ni Sandro sa back background at kung sa NBI, sexual harassment ang ikinaso sa independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, sa DOJ ay rape through sexual assault na ang isinampang kaso sa dalawa.

vuukle comment

AJ RAVAL

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with