^

PSN Showbiz

LGBTQ+ Inclusive Care, inilunsad

Pilipino Star Ngayon
LGBTQ+ Inclusive Care, inilunsad

MANILA, Philippines — Gumawa ng isang makabuluhang hakbang ang KonsultaMD patungo sa inclusive healthcare para sa LGBTQ+ community sa pamamagitan ng pakiki­pagtulungan sa U.S. President’s Emergency Plan for AIDS Relief (PEPFAR) at sa U.S. Agency for International Development’s (USAID) Meeting Targets and Maintaining Epidemic Control (EpiC) Project.

Sa partnership na ito, naging kauna-unahang telehealth application sa Pilipinas ang KonsultaMD na naghahandog ng Inclusive Care, na nagtatampok sa mga doctor na sinanay ng PEPFAR-USAID’s EpiC Project sa Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression, at Sex Characteristics (SOGIESC), gender sensitivity at motivational counseling.

Sa pamamagitan ng KonsultaMD, may access na ngayon ang LGBTQ+ community sa Inclusive Care doctors na sinanay upang maunawaan at matugunan ang kanilang mga partikular na pangangailangan. Nagbibigay ito ng safe at respectful space para sa konsultasyon, na naghahandog ng mga may lubos na kaalaman na serbisyong pangkalusugan, kabilang na ang para sa sexual health.

Sa pamamagitan ng pag-alis ng mga karaniwang hadlang tulad ng limitadong pag-unawa, stigma, diskriminasyon, at confidentiality concerns, at limitadong access sa mga serbisyo, hinihikayat ng inisyatibang ito ang LGBTQ+ community na bigyan ng prioridad ang kanilang kalusugan.

Para makapagpakonsulta sa isang Inclusive Care doctor, i-download lang ang KonsultaMD app at mag-register. Pumunta sa homepage at i-tap ang “Inclusive Care” na icon.

vuukle comment

LGBTQ+

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with