^

PSN Showbiz

Priscilla, ninakawan sa sosyal na mall!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Priscilla, ninakawan sa sosyal na mall!
Priscilla Meirelles.
STAR/ File

Ninakawan ang beauty queen wife ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa isang mall sa BGC.

Nakuhanan mismo ni Priscilla ang mga magnanakaw habang nagla-live siya at naggo-grocery kung saan nakuha ng mga ito ang kanyang cellphone.

Ikinuwento niya sa video na ipinost ang nangyari at masama ang loob niya dahil sa loob ito mismo ng mall naganap pero tila hindi raw siya tinutulungan ng mall kahit kumpirmado na ang pagnanakaw sa kanya.

Pero ayaw daw ng mall na magbigay ng statement at kailangan pa raw ng court order para i-release nila ang CCTV footage kahit siya pa raw ang naagrab­yado at mukhang mas pinoprotektahan pa raw ang mga magnanakaw. Wala raw magawa ang mga pulis dahil ayaw ibigay ng mall ang CCTV footage.

Hindi raw niya palalagpasin ito kaya magdedemanda raw talaga siya at pati ang mall ay idedemanda niya dahil dalawang beses daw siyang naagrabyado.

Sanay raw siya bilang Brazi­lian sa pickpockets pero na-shock raw siya dahil ito raw ang unang beses na nabiktima siya ng mga ito at hindi niya akalaing sa BGC mall na mga mamahalin pa ang paninda siya nanakawan.

Laking pasasalamat naman niya sa BGC PNP team dahil tinulungan siya at talagang ginagawa ng mga ito ang trabaho nila.

‘Happy days’

Dahil Sunday kahapon at medyo down ang feeling ko, kaya talagang taimtim ang naging dasal ko.

Sa panahon ngayon marami tayong dapat ipagdasal at ihingi ng payo sa nasa Itaas. Napakaraming mga pangyayari na talagang nakakatakot dahil marami ang maapektuhan. Sana nga pakinggan ng nasa Itaas ang mga dasal natin. Sana nga ay mabago ang mga dapat baguhin. At maayos ang dapat ayusin.

Individually nararamdaman din natin na may mga nangyayari na tiyak na maapektuhan ang mga taga-showbiz. Mabuti na nga lang at nauso pa ang streaming at meron pa ring ibang platforms kaya meron pang films na kumikita kahit paano.

Saka siyempre affected din ang showbiz writers dahil siyempre anuman ang pagbabago ang nangyayari sa industriya apektado rin ang showbiz press. Dasal siyempre ng lahat sana naman tuluy-tuloy pa rin ang activity ng showbiz para naman sa patuloy na trabaho ng lahat.

Masasabi ko na mabuti naman at halos lahat ng alaga ko may trabaho. Basta sana maging mas matatag pa kahit na nga konti na lang ang active sa paggawa ng movies.

Sa TV naman mabuti nga at dahil sa availability ng mga artista maganda ang nagiging resulta ng finished products.

Naku, kelan kaya uli babalik ang happy days sa showbiz para bongga.

vuukle comment

CCTV

JOHN

PRICILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with