Itutuloy ang hearing sa Senado ngayong araw sa Committee of Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Sen. Robin Padilla.
Dadalo raw sina Richard Cruz at Jojo Nones dahil muli silang ipinatawag ng Senado. Pero hindi pa raw tiyak kung magpapakita si Sandro Muhlach, dahil sinasabi ni Niño na hindi raw kayang humarap ng anak niya sa dalawang independent contractors ng GMA 7.
Hiniling kasi ng ilang senador na dapat ay dumalo si Sandro at gagawan daw ng paraang hindi niya makaharap sina Cruz at Nones.
Pero tingnan natin kung ano pa ang kailangang sagutin ng dalawang writers dahil sinasabi naman ni Sen. Jinggoy Estrada na may sapat nang ebidensya laban sa kanila para sampahan ng kaso ng NBI.
Sabi nga ng legal counsel nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque, hindi pa raw niya alam kung ano pa ang itatanong at gustong malaman sa kanyang mga kliyente.
“I really don’t know what else is needed of them. At any rate, they cannot be convicted in the Senate because only the courts of law can do that,” pahayag ni Atty. Garduque.
Mga taga-industriya, wish magkaroon din ng pabuya!
May mga nadagdag pa palang pabuyang ibinigay kay Carlos Yulo dahil sa dobleng karangalan na ibinigay niya sa ating bansa mula sa Paris Olympics 2024.
Kino-compute na ng iba, halos P100M na raw ang naibigay sa magaling na gymnast, kaya nakumbinsi na ang ibang kabataang mag-aral ng Gymnastics.
Kung ang iba ay natutong mag-weightlifting dahil sa tagumpay rin ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics, ngayon naman ay sa Gymnastics.
Sana sa susunod na Olympics ay may isa pang sports na pasisikatin ng ating mga atleta. Sana sa Pole Vault ay mas umangat pa si EJ Obiena.
Dahil sa magandang pabuyang ibinibigay sa ating mga atleta, nagtatanong ang ilang taga-entertainment industry bakit hindi rin sa ating singers, artista, dancer o sa ibang larangang nagbigay rin ng karangalan sa ating bansa?
Noong nanalo si Jaclyn Jose sa Cannes International Film Festival, binigyan lang siya ng parangal sa Malacañang.
Bakit wala raw magbigay ng milyon o pa-condo sa mga artista nating nagbigay ng karangalan sa ilang prestigious competition sa ibang bansa?
Mga atleta lang natin ang nabibigyan ng ganitong pagpapahalaga, sana meron din daw sa ating entertainment.
Hiningan namin ng opinyon dito ang presidente ng OPM o Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit na si Ogie Alcasid, at naniniwala siyang dapat lang na magkaroon ng maayos na pag-uusap sa ating Pangulong Bongbong Marcos.
Sabi ni Ogie, “Hindi naman natin puwedeng sabihing wala silang naitutulong. Like for example kami sa OPM, ang NCCA, National Commission for Culture and Arts ang laging tumutulong sa OPM.
“But I think… para lalo nating mapalaki ‘yung tulong ng gobyerno, kailangan magkaroon kami ng dialogue, and there hasn’t been that opportunity, wala pang… to talk to them and I think marapat lang na magkaroon.
“I’m sure our president, because he loves music and the chair of NCCA is also a friend of mine. So, kailangan talaga magkaroon ng dialogue. Kailangan lang mapag-usapan.”
May pananaw rin si Martin Nievera nang tinanong namin ito sa kanya sa nakaraang media conference niya na The King 4ever concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa Sept. 27.
Ani Martin, “Kung hindi Olympics ang usapan dito there also to be complaining about not get enough support. Katulad ng ibang countries the way they support their athletes from the beginning of January hanggang 4 years later, nandun pa rin sila.
“Tayo, ‘pag ah malapit na ‘yung Olympics, konting support naman.
“But, I think this new Philippines. They’re showing their support after the fact na magaling pala tayo sa Gymnastics. Oh my God!
“Magaling tayo dito, magaling tayo dun. Akala natin boxing lang or something. So, I think its opening up a new door for more support.
“I think the government now knows that the people… these athletes. Pero as for our singers, if it wasn’t for social media, we would not be known.
“There wasn’t for the likes of Netflix ang Hulu, and all of these other platforms where you can watch Filipino movies. A well-directed, the great cinematography, the great scripts, great actors, good-looking people. The world now knows. So that the government, for me, they can pick up now. They didn’t have to have push us anymore because we went with the flow. We went with social media… ‘yung Filipino artists, one of the most admired right now. It’s good to be Filipino now.”