^

PSN Showbiz

Heart, nagsalita sa milyun-milyong kwintas ng aso!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Heart, nagsalita sa milyun-milyong kwintas ng aso!
Heart Evangelista.
STAR/ File

Palaban na sinagot ni Heart Evangelista ang isyu na pinasuot niya sa pet dog niyang si Panda ang Bulgari necklace na suot din ni Pia Wurtzbach sa ad campaign ng Bulgari. Sa TikTok Live, malinaw ang sagot ni Heart tungkol sa controversial necklace.

“I own the necklace, you know. I can do whatever I want and pull it out. Basically, Panda owns the necklace. So, ‘di siya loan, she can do whatever she wants,” sabi niya na makikita sa TikTok na umiinom sa siguradong branded na mug.

Kahit malinaw na ang sagot niya sa isyu, may mga comment pa rin ang netizens, kumusta raw kaya ang sale ng Bulgari necklace after makita na ipinasuot niya sa kanyang pet dog?

Nadagdagan daw ba ang sales at may mga bumili rin kaya para sa aso nila o sa pusa? May curious ding malaman kung komportable ba si Panda wearing a necklace?

May sumagot din sa nabanggit niya na dahil sa kanya ang necklace na binili niya, magagawa niya kahit ano ang gawin niya sa Bulgari necklace. Tama raw si Heart sa puntong ito, pero marami ang naniniwalang she’s out of touch. Bagay na kinontra ng ibang netizens.

Matagal na raw ginagawa ni Heart kay Panda na ipagamit ang mga branded niyang gamit, gaya ng Hermes blanket. Pati nga dog collar ni Panda at ng iba pang dogs niya ay branded din, LV yata ang dog collar ng fur babies niya.

Ngayon lang naging isyu dahil si Pia Wurtzbach ang kinuhang endorser ng Bulgari. Paglilinaw ng fans ni Heart, hindi talaga si Pia ang endorser, may iba siyang title at pati ‘yun ay isyu sa fans nila ni Heart.

Nanay ni Caloy, pumapatok ang negosyong longganisa

Suportado ng mga kampi sa nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang online business niyang garlic longganisa. Sa post nito sa Facebook na “Collecting orders of home made garlic longganisa ala Vigan pm for orders 380/kilo,” ang dami agad nag-order.

Walang tumatawad sa presyo ng longganisa niya.

Ang nakakatuwa pa, hindi lang isang kilo ang mga ino-order sa kanya dahil may umo-order ng three hanggang five kilos. May mga naghanap pa ng ibang produkto, pero walang ganun.

May mga nag-comment na kapag bumongga nang husto ang online business ni Angelica, hindi na talaga nila kakailanganin ng ayuda mula kay Caloy.

Saka, kumikita na rin ang dalawang anak nina Angelica at asawa nito, plinex nga nito ang regalo sa kanya nina Elaiza Yulo at Karl Yulo na hindi nagustuhan ng kampi kay Caloy.

Pinost ni Angelica ang regalong Guess bag ni Elaiza at ang rubber shoes na regalo ni Karl. Nagpaparinig daw si Angelica kay Caloy at hindi maganda ang kanyang ginawa, lalo lang daw lalayo ang loob nito sa kanya.

Pokwang, ‘di hahadlangan ang pagkikita nina Malia at Lee!

Guest si Pokwang sa EXpecially For You segment ng It’s Showtime last Saturday at natanong siya ng mga host ng show kung open siyang magkaroon sila ng communication ng ex niyang si Lee ‘O Brian?

Sa tanong ni Vice Ganda kung ano ang isasagot niya kapag nagtanong ang anak nilang si Malia kung nasaan ang tatay niya? Kung ano ang nangyari sa kanila?

“Alam naman niyang nasa States eh. Sinasabi ko nando’n si ano... maghahanap ng trabaho para sa future mo,” sagot ni Pokwang.

Nag-follow up ng tanong si Vhong Navarro na kung paano ‘pag sinabi ni Malia kung puwede niyang makausap ang ama? “Bakit hindi? Tatay pa rin naman niya ‘yon eh,” sagot ni Pokwang.

Ganu’n din ang sagot ni Pokwang sa hirit ni Vice na kunwari may tumawag sa kanya pag-uwi niya at sabihing kasama niya ang dad ni Malia at kung puwedeng makausap ang anak niya? “Kaya lang kasi, sa loob ng tatlong taon na hiwalay kami wala e. Wala talagang effort. Financially, emotionally, wala,” sagot ni Pokwang.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with