Apat na Campers, nakakuha ng mutual sparks

Trending at kinapitan ng viewers mula sa Pilipinas maging sa ibang bansa tulad ng India, North America, Middle East, at UK ang huling episode kung saan nakakuha ng mutual spark ang campers na sina Martin Chua, Zuher Nakaoka, Kyle Adlawan, at Allan Pangilinan sa Ultimate Sparks Reveal noong Miyerkules (Agosto 14).

Hindi man naging maganda ang simula ng journey nina Martin at Zuher dahil parehas nilang ginusto ang kapwa camper na si Universe Ramos, na­ging daan naman ito na mas makilala nila ang bawat isa at i-risk na mas magkabutihan sa labas ng camp.

Samantala, ang NBSB na si Allan din ay may pag-asang magkaroon ng tunay na mamahalin sa katauhan ni Kyle. Hindi man pinili ni Allan si Kyle noong una ay nakuha naman nila ang inaasam na validation at pang-unawa na hinahanap nila sa isa’t isa.

Samantala, naging masaya pa rin at makabuluhang experience ang Sparks Camp para sa campers na sina Universe Ramos, Ejay Dimayacyac,  Miggy Ruallo, Pipoy Oreiro, Seichi Ozaraga, at Paco Laurel na hindi nahiyang ibahagi ang kwento nila sa viewers.

Sa ngayon nga ay lampas dalawang milyong views na ang episodes nito na mas nagbukas pa ng kamalayan ng viewers tungkol sa kwento ng LGBTQIA+ community, kanilang mga karanasan at pagsubok sa buhay.

Sa mga naka-miss ng episodes ng ikalawang Season ng Sparks Camp ay maaari pa rin naman nila balik-balikan ito sa YouTube channel ng Black Sheep.

Show comments