Damay na sa pang-ookray ng netizens si Mariel Padilla sa asawa nitong si Sen. Robin Padilla kasunod ng kanilang mga pahayag sa nag-viral na Senate discussion sa marital rape / sexual rights, na para sa marami ay insensitive.
Ito ay pagkatapos ng Facebook post si Mariel ng isang kissing photo nila ng kanyang asawa na naghahalikan, na may caption na, “Oh may consent ‘yan ah [kiss emojis].”
Na sinagot ng aktor / senador ng “Hello babe. I’m in heat (with heart on fire emoji).
“Robin Padilla its a tie… i’m feeling hot hot hot (with woman dancing emojis).”
At doon pa mas sumiklab kumbaga ang ‘inis’ ng netizens.
Medyo masakit ang mga komento tulad ng wala raw galang sa lahat ng mga rape victim at pang-aabusong sekswal sa loob ng isang tahanan.
May isa pang nagkomento ng : “Kung itinuring mo ang iyong sarili na masuwerte na nasa isang malusog na relasyon, mabuti para sa inyong dalawa. Ngunit hindi ito ang kaso para sa lahat. Wala itong respeto para sa mga talagang nakakaranas ng domestic abuse at marital rape.”
Isa raw ‘yung pangungutya sa mga biktima at dismayado raw silang makita ang isang public servant na walang habag at simpatya sa mga biktima at nakakahiya na hindi nagagamit ng isang pampublikong personalidad ang kanyang plataporma para itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Nauna nang nagpaliwanag si Sen. Padilla tungkol sa nasabing viral discussion sa senado last Friday na : “Wala akong sinabi na ok na pilitin ang asawang babae sa pagtatalik. San po ba don sa pagdinig?
“Pangalawa : Ang sabi ko Paano kaming mga lalaki na naniniwala sa sexual rights kapag kami ay in heat. Not drunk
“Not violent. Not under influence of any drugs or liquor
“Plain love and lust.
“Pangatlo. Bakit po namin nasabi na sexual rights. Ito po yun. Lumaki po ako sa biblia. Malinaw po don na ang babae ang nagpapasakop sa lalaki
“Paul’s teaching on sex within marriage is extraordinary. He says that husband and wife should give one another their conjugal rights (1 Cor. 7:3). Each has a right to enjoy sex and each has an obligation to help the other enjoy sex as well. Both spouses should receive joy and pleasure in a healthy sexual relationship. Husbands and wives should view the marriage bed in such a way that each spouse both gives and receives in the sexual union,” pangangatwiran pa ng mister ni Mariel sa kanyang post.
“Sa isang muslim. In Islam, the husband should have intercourse with his wife according to what satisfies her, so long as that does not harm him physically or keep him from earning a living,” dagdag pa niyang paliwanag.
“Kayo po ay mambabatas din at palagay ko naman batid niyo ang ibig sabihin ng pagdinig / hearing. Makikinig sa mga resource speaker
“Paano ako Makikinig kung hindi ako magtatanong
“Paano sila magsasalita o magiging speaker kung ako ang magpapaliwanag
“Bakit pa ako Kumuha ng resource speaker at nagtatanong po ako bilang ang guest ko ay lawyer hindi pastor o imam
“Siya ang makakasagot sa tanong ko kung Ano ang sinasabi ng batas ng tao sa marital obligation.”
Pinagdiinan niya rin na “Hindi nga rape ang punto ko. Ang punto ay kung Ano ang puedeng gawin ng asawang lalaki para maging legal ang paghingi ng sex ng isang lalaki at hindi maging rape. Wala akong sinabi na ok ang pilitin ang babae
“Hindi lahat ng Tao ay maka estado . Very religious ang mga Pilipino Iba po kasi ang katuruan ng religion at state, Para po maging maliwanag sa taong bayan na ang family code ng 1988 ay hindi na ay sumasangayon sa sinasabi ng biblia. Icheck po ninyo ang binago ng 1988 family code,” bahagi pa ng mahabang depensa ng aktor na magiging busy sa shooting ng bioflick ni former senator Gringo Honasan.
Sa huli ay nagpasalamat siya : “Maraming salamat na rin po sa pagsuporta sa pagpapalaki ng isyu. Kailangan lamang po ninyo linawin ang posisyon niyo. Wag po kayong mag alala. Ako po ay may resolution din na in aid of legislation Ang mga sexual harassment, abuse at rape ng New Peoples Army na ang biktima ay Gabriela,” bahagi ng mahabang post ng aktor / pulitiko.
Dahil din dito at naungkat ang inamin ni Mariel noong 2021 na hindi pa rin sila natutulog sa isang kwarto ng mister na hindi pa senador noon.
Nabanggit nina Robin and Mariel noong 2019 na hindi na sila natutulog na magkatabi dahil ang paliwanag nila ay nagpapa-breastfeed nga raw si Mariel sa anak nilang si Gabriella at dahil dito ay laging nagigising si Binoe.