^

PSN Showbiz

Artista level... Carlos at gf na si Chloe, magiging Kapamilya!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Artista level... Carlos at gf na si Chloe, magiging Kapamilya!
Chloe at Carlos
STAR/File

Lumabas ang dahilan kung bakit absent ang Filipino Olympic gymnasts na sina Aleah Finnegan at Emma Malabuyo sa homecoming parade. Ang sabi nila, “because they weren’t informed about the event.” Bakit?

Napa-comment tuloy si Ice Seguerra ng, “anu bahhh!” Ang sabi ng ilang netizens, 22 lang ‘yang atletang ‘yan, wala silang Group Chat (GC) for coordination?

Totoo ba ang balita from a media source na mukhang magpapa-handle sa ABS-CBN Star Magic si Carlos Yulo? Kasama ba sa deal ang pagiging personality rin ng Chloe San Jose na binansagan nang Goldilocks ng netizens?

Ang tanong: hindi ba’t si Caloy ay beyond na sa kahit ano’ng network affiliation? Icon na siya na dapat lang tumawid kung saan siya kailangan. Hindi kaya si Chloe ang mas makikinabang kung sakali sa Star Magic dahil mapapasikat siya nito bilang artista, bilang singer at bilang influencer?

Pero ang punchline ng ibang matatabil ang dila, paano magiging Kapamilya si Caloy eh mismong sarili niyang pamilya hindi niya maayos? Ang sagot ng mga nakarinig, “Easy, easy! May nakahanda nang pabuya diyan si Manong Chavit Singson!” Chos!

Liza, ‘di sinipot ng mga kinasuhan!

Nag-post si Liza Diño ng update ukol sa inihaing niyang libel case at heto ang kanyang sinabi, “Ang mediation process ay parte ng justice system natin kung saan pinagtatagpo ang dalawang panig para magharap at mag-usap. This should be attended by the parties involved. And not their legal counsels.

“Hindi po madali to mentally prepare for this lalo pa kung ngayon mo lang sila makikita but I attended all three mediation sessions today – 10am, 1pm at 2pm because I respect the process. Unfortunately, hindi po dumating ang kabilang panig sa ni isa man sa mga sessions kanina. Lawyers nila ang pumunta and because of this, kailangan na namang magset ng panibagong schedule. Bakit ayaw nyong humarap?

“Ang hirap pala nung pakiramdam na ikaw na yung agrabyado, parang ikaw pa ang nakikiusap na irespeto yung proseso.

“But it is what is. This was after all a choice I made to uphold the truth and I will not give up.

“Thank you sa lahat ng nagsend ng prayers and support. It really means a lot.”

Ang tanong eh, paano kung ayaw magpa-mediate ng mga kinasuhan niya at gusto nilang ituloy na sa korte ang pagpapa-dismiss ng mga kasong isinampa?

Paano kung ayaw nilang dumaan pa sa drama? Kasama sa mga gustong kaharapin ni Liza ay ang PEP, Direk Joey Reyes, Atty. Joji Alonso at Tirso Cruz III. Sa tingin n’yo, magso-sorry ang mga ito kay Liza?

Nakakata-Quote:

Sabi ni Governor Chavit Singson, “Nakikiusap ako... [‘Pag] maligaya kayong pamilya, maligaya na rin ako. Kaya magbibigay ako ng P5 milyon sa pamilya niyo kung mapatawad ninyo ang isa’t isa.”

Sinagot naman ito ng isang professor sa UP na dating journalist na si Ivy Lisa Mendoza na ‘wag gamitin ang pera sa isyu ng pamilya.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with