^

PSN Showbiz

Jennylyn, na-fake news sa pagiging Kapamilya at Kapuso?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn, na-fake news sa pagiging Kapamilya at Kapuso?!
Jennylyn Mercado
STAR/File

Fake ang kumalat na contract signing ni Jennylyn Mercado sa ABS-CBN.

At this point in time raw ay malabong maging Kapamilya si Jennylyn ayon sa usap-usapan. At ang sabi, malabo pa rin daw itong maging exclusive ulit sa GMA 7.

Wala na nga bang pag-asang maging Kapuso ulit si Jennylyn?

Kung ganun, mag-TV5 na lang daw kaya si Jennylyn.

May sariling talent agency na ang TV5 at ang dami rin naman nilang mga ginagawang project.

Lahat daw kasi ng network ngayon ay nagtitipid dahil nga sa hindi mataas na rating ng mga programa.

Ang mga ad ngayon diumano, package deal na.

Single digit raw kasi ang mga rating ng maraming TV shows ngayon kaya talagang nagkukuripot na rin ang mga advertiser.

Pero nabanggit ni Jennylyn nang ipakilala siya ni Ms. Rei Tan bilang newest Beautederm ambassador almost a month ago na palagi pa rin siyang Kapuso : “Sa GMA naman po, syempre palagi naman akong Kapuso. Ang daming nag-aantay ng sagot kung lilipat ba. Ako naman, 20 years na po akong Kapuso and I am very thankful na hanggang ngayon ako ay Kapuso pa rin. Mayroon pa rin mga nine-nego (negotiate), pero mabilis na lang po iyan. We’re just waiting for the contract pero happy pa rin naman ako maging Kapuso. Basta gusto pa rin nila ako, ‘di ba,” sabi niya that time.

Totoo bang ang ni-negotiate ng kampo ni Jennylyn ay talent fee na hindi pumayag ang GMA?

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with