^

PSN Showbiz

Naka-P20.5 milyon... Un/Happy, biggest opening gross of a local film ngayong 2024

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Naka-P20.5 milyon... Un/Happy, biggest opening gross of a local film ngayong 2024
Joshua Garcia at Julia Barretto
STAR/File

Maganda ang ‘balikan’ nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa takilya dahil agad na nakapagtala ang kanilang pelikulang Un/Happy for You ng P20.5 milyon sa unang araw nito sa mga sinehan sa buong bansa, kaya ito ang pinakamala­king opening gross ng isang local movie ngayong 2024.

Palabas na sa mahigit 250 na sinehan sa buong bansa ang Un/Happy For You na agad naging trending topic. Nagsimula na rin ang ibang netizens na magbahagi ng kanilang positibong feedback tungkol sa pelikula online.

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat—sa fans, sa family namin na andito, sa friends namin, sa bosses thank you, sa Star Cinema salamat sa pagtitiwala sa amin ni Julia. Sa Viva Films of course at sa buong team ng Un/happy For You,” ani Joshua bago magsimula ang film screening nito days ago.

Samantala, ‘overwhelmed’ naman si Julia sa pagmamahal at suporta ng kanilang loyal fans.

“Sobrang nakaka-overwhelm ‘yung suporta na pinapakita n’yo. Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng efforts niyo. Sana po magustuhan n’yo siya [Un/Happy For You],” sabi ni Julia.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with