^

PSN Showbiz

Jericho, tanggap na ng pamilya ni Janine

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jericho, tanggap na ng pamilya ni Janine
Jericho at Janine
STAR/File

Taong 2014 nang magpakasal sina Jericho Rosales at Kim Jones. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang pumutok naman ang balitang nagkahiwalay na diumano ang mag-asawa. Enero naman nito lamang taon nang makumpirma ang tungkol sa hiwalayan nina Jericho at Kim.

Kamakailan ay napabalitang mayroon nang espesyal na ugnayan sina Jericho at Janine Gutierrez. May mga nakakita raw sa dalawang magkasamang namamasyal sa isang museum. “That’s crazy, I wouldn’t want to be denied or anything. Yeah! We’re going out. She’s an amazing person, very sweet, very kind, very funny and very dedicated, good actress. And we just share a lot of things and we thought, ‘Hey! You’re fun, I’m fun, we’re fun. Let’s go to the museum,” pagtatapat ni Jericho.

Nakilala na rin ng aktor ang pamilya ni Janine. Ayon kay Jericho ay talagang naram­daman niya ang pagtanggap sa sa kanya ng mga mahal sa buhay ng aktres. “Janine has such a loving family, very accepting and cool family. They’re just warm and cool and chill, I love it. They’re a cool family far from being uptight. That’s all I can say,” pagbabahagi ng aktor.

Sa susunod na buwan ay mapapanood ang Lavender Fields na kinabibilangan nina Jericho at Janine. Tampok din sa pinakabagong serye ng ABS-CBN sina Jodi Sta. Maria, Jolina Magdangal, Edu Manzano, Albert Martinez at Maricel Soriano.

Nonoy, kay Ate Vi natutong humalik

Isang masayang karanasan para kay Nonoy Zuñiga ang pagiging Hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Ayon sa OPM singer ay masarap sa pakiramdam na nakapagbibigay siya ng opinyon at payo sa contestants ng naturang segment. “Ang sarap maging judge sa Tawag Ng Tanghalan. Kasi mga batang-bata, very promising sila. Makikita mo talagang pinagbubutihan nila. As judge naman kailangang mag-advise ng maganda sa kanila para mas pagbutihan pa nila kaya nakakatuwa. Lahat ng hosts doon, lahat ng crew very warm, lahat ang saya-saya every time I go there and judge,” pagbabahagi ni Nonoy sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon kay Nonoy ay marami ring magagaling na singer sa nakababatang henerasyon. Hinahangaan ng OPM icon ang ilan sa mga kasamahang Hurado ng TNT. “Erik Santos, Jona and KZ Tandingan. I like their styles. Iba-iba, they really express the content, the message of the song. Si KZ naman naiiba niya eh, kahit iniba niya, mas guma­ganda actually ‘yung song, ang galing,” paliwanag niya.

Samantala, taong 1982 nang makapagbida sa pelikulang Never Ever Say Goodbye si Nonoy. Hinding-hindi umano makalilimutan ng singer ang mga panahong nakatambal si Vilma Santos sa isang proyekto. Ang Star for All Seasons daw ang nagturo kay Nonoy kung paano gawin ang cinematic kiss. “Hindi ko makakalimutan ‘yon. It was a wonderful experience with Vilma. Siya actually ang nagturo sa akin how to act and also the cinematic kiss. Merong blocking, may instructions from the director while doing it. That was my first movie so wala akong alam. So they just say, ‘Noy, kiss Vilma.’ So pag-gano’n ko, hindi ko alam paano i-kiss. Kasi nahihiya ako kay Vilma. Tapos they laughed at me. So Vilma naman, tinuruan ako ng cinematic kiss. It’s like for instance, ‘Sasabihin ng direktor, ‘Look at each other’s eyes, magtinginan kayong dalawa sa mata, ‘yung in love na in love kayo. Tapos Nonoy, ‘yung mata mo dahan-dahang bababa sa lips. Nonoy, ibalik mo ulit sa mata. Vilma, ikaw naman ang bumaba sa lips, tingnan mo ulit sa mata. Tapos dahan-dahan kayo lumapit sa isa’t isa, then cinematic kiss,’” nakangiting kwento ng OPM singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with