Un/Happy…, malakas ang hatak sa gabi

Congratulations sa makinarya ng Star Cinema at Viva at talagang dumami nga ang taong nanood ng Un/Happy For You sa first day nito.

Bagama’t matumal ang dating ng tao sa umaga, may afternoon at evening crowd ang pelikulang ito. Paano kaya nila masu-sustain ito? More block screenings and sure seats reservations? Mismo!

Float ni Carlos, okray sa wrong grammar!

OMG so ungrammatical talaga ang OLYMPIC 2 GOLD MEDALIST na nasa float ni Carlos Yulo sa parada.

Sabi tuloy, hay, Pelepens! Sana nilagyan ng “H” ‘yung gold para gohld para todo na. Or Olympic Gold Medalist, not once but twice! Pero ano nga ba ang tama?

Sabi nga ni Ian Simbulan ng GMA 7, “2-time Olympic gold medalist, Paris Olympic two-time gold medalist or Olympic gold gold medalist hahahaha or Olympic gold medalist 2 hahahaha”

Sino ba ang gumawa nito? Sayang daw ang pera ng tao.

It’s ok… nila Joshua, sa Dumaguete nagti-taping

Dumating na raw si Joshua Garcia sa Dumaguete at doon pala sila nagte-taping ng It’s Ok To Not Be Ok with Anne Curtis. Kasama rin si Carlo Aquino sa cast.

Hindi na ba sa Bacolod or Iloilo? Ang saya ng ganitong lock-in taping sa probinsya, ‘di ba? May bagong tanawin na nakikita sa TV – at hindi pa gamit na gamit ang location.

Umaasa tayong mas maganda pa ang kalalabasan nito kaysa sa pinagbasehan nitong Korean series.

Teatro, buhay na buhay!

Opening na ngayon ang musical na Mula Sa Buwan sa Samsung Theater. Tapos ‘yung Grace na huling play ni Floy Quintos, magsisimula na ulit sa September sa Arete ng Ateneo. Tuloy ang One More Chance ng PETA at Coming Home For Christmas ni Jose Mari Chan for Repertory Philippines at marami pang iba.

Bakit buhay na buhay ang teatro at naso-sold out sila kahit may kamahalan ang ticket ha? Ano ang kaibahan nila sa pelikula na mas mura pero bibihirang dinadagsa ng mga tao?

Bukod sa personal na interaksyon kapag teatro, marami tayong matututunan kung paano nagtutulungan at nagsusuportahan ang mga taga-teatro.

Nakakata-Quote:

“Oo, nakaplano din sana kami pumunta. Pero napag-isip-isip din namin magmumukha kaming kawawa dun dahil hindi na kami pinasalubong sa pagdating niya. What more, kung diyan para lang kaming fans niya.” – Rodrigo Frisco, lolo ni Carlos Yulo

Show comments