^

PSN Showbiz

Jowa ni EJ, hindi eksenadora

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Jowa ni EJ, hindi eksenadora
EJ at Caroline
STAR/File

Pinapili ang mga nagbalik na Olympic athletes kung sino ang apat na family members/friends ang iimbitahin nilang guests sa Malacañang courtesy call at reception noong isang gabi. At habang halos lahat ay pamilya ang inanyayahan, si Carlos Yulo ang nagpakita ay ang kanyang Coach Cynthia Carrion, at isa pang babae, ang kanyang popular nang girlfriend na si Chloe San Jose at ang nanay nito?

Ang tanong, hindi pa rin pinili ni Caloy ang magulang o pamilya nito talaga?

Tuloy, buhos ang reaksyon ng mga tao sa pagpapa-picture kasama ni Chloe. May nagco-comment, “pwede po bang i-edit out sa frame yung blondie? You must know your place.”

Sabi ni Eagle Riggs,”Eksenadora si bleached beauty.” May nagsabi pa, na sana ‘yung coaches muna bago ‘yung iba. Sayang, pero sana mas iniingatan ang ganitong mga pampublikong events dahil hindi maiiwasang magkaroon ng opinyon ang publiko, ‘di ba?

Nakukumpara tuloy si Chloe sa athlete ring si Caroline Joyeux na girlfriend naman ng Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena, na hindi raw nakikiamot talaga ng spotlight kay EJ.

Hirit ng isa pa (published as is), “she is beautiful and we’ll mannered, unlike the agua oxinada gurl.”

Papuri naman ng isang netizen, “I never saw her with EJ, only when he posted it, she knows her place. She’s pretty!”

Si Caroline at EJ ay apat na taon nang magkarelasyon. Unang dinala ni EJ si Caroline sa Pilipinas noong 2022. Si Caroline ay ilang beses nang sumali at nanalo sa athletic events sa Germany, pero never daw umeeksena at umeepal tulad ni Chloe. Hindi rin daw nagsusuot ng unipormeng pang-atleta, bakit nga ba, Chloe?

Totoo ba? Kinuha na ng Thailand ang Japanese coach ni Caloy Yulo na si Kunehiro Kugimia? Tama naman na bigyang parangal at pabuya ang kasalukuyang coach na umalalay kay Caloy papuntang Olympics. Pero nakakalungkot lang ang nangyari sa kanila ng kanyang coach na Hapon.

Kahapon na pala ang opening ng Joshua Garcia at Julia Barretto movie? Parang nasapawan siya ng mga balitang pagbabalik ng mga atletang galing Olympics at sexual harassment sa showbiz.

Nasaan na ang fans nila? Hindi ba’t pagsasanib-puwersa ito ng Viva at Star Cinema, anyare? Maganda sa mata pero bakit ganu’n ang istorya? Sorry na lang sila nang sorry!

Tuloy parang unhappy ang box office results ng first day.

Sana mag-pick up pa ito sa nga susunod na mga araw.

Janine, may magnet sa mga batang ama?!

Uy, so opisyal na pumoporma si Jericho Rosales kay Janine Gutierrez at hindi promo lang? Medyo ang lakas ng magnet ni Janine sa mga batang ama ngayon ha. Whatever it is, sana makahanap talaga si Janine ng tatagal na sa kanya. Baka kailangan din niyang lawakan pa ang kanyang circle para hindi lang sa showbiz ang nakikilala at nagugustuhan niya?

Basta, du’n tayo sa kung saan masaya si Janine, at sana du’n sa tatagal na – at hindi kung may project lang, ‘di ba?

Nakakata-quote:

“This is the MOST HAPPIEST day in my life.” – JP (character ni John Lapus sa Un/Happy For You) Most na, happiest pa? Hindi man lang in-edit ang linya para tumama ang grammar?

vuukle comment

OLYMPIC ATHLETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with