^

PSN Showbiz

Ang Pag-amin ni Zandro

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Ang pagiging Call Center Agent ang naging daan para matapos ni Zandro Sales ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. (sana nabigyan man lang kita ng baon mo, bro!)

“Habang nag-aaral ako sa college, nag-call center ako hanggang sa matapos ko pag-aaral ko.

‘Yung mama ko kasi maaga sya nawala.

Hindi na ‘ko umasa sa iba.

Inobliga ko na ang sarili ko na paaralin ang sarili ko, pati mga gastusin ko, “pag-alala ni Zandro. (dapat nag-call ka sa’kin, bro!)

Natapos nya ang kursong Education major in Physical Education, pero hindi nya ito nakarir.

Mas pinili nyang magtrabaho sa gym (karirin kaya kita, bro!)

“Hindi ko ‘yun na-pratice kasi hindi ako nag-LET.

Feeling ko kasi parang hindi ko ‘yun calling. Kaya nagturo na lang ako sa gym.

Nag-fitness coach ako. “Pagpapaliwanag ni Zandro. (let’s get physical!)

Sa ngayon, isa sa kinakarir nya ang pagiging financial planner.

Aminado syang maganda ang tinahak nyang ito pero ‘di pa rin maiiwasan ‘yung makatanggap ng mga kakaibang offer mula sa mga kliente. (i-block mo sila!)

“Assurance ang gusto, hindi insurance. ‘Yung pipirma sila, pero pipirmahan din ako.

Walang natutuloy kasi insurance ang pinag-uusapan.

Trabaho ito,” paglalahad ni Zandro. ( may signing na nagaganap?!)

Nagsisimula na rin si Zandro na lumabas sa mga indie film at teleserye.

Kamakailan nag-viral ang kanyang guesting sa Expecially for you ng It’s Showtime kung saan nanalo syang searchee. (tayo ang mag-date, bro!)

“Naging fun fun fun lang. Naging totoong tao.

Siguro kaya madaming views kasi ‘yung pick up line ko. Dagat ka ba, gusto ko maging malaking parte ka ng mundo ko.

Siguro dahil sa delivery ko,” pagbibida ni Zandro. (ipa-deliver kita rito sa’kin!)

Sa kanyang guest appearance sa aming Youtube show na WTFu, inamin ng 28 anyos na binata mula Mandaluyong City na hindi pa nya alam kung kaya nyang magpasexy sa pelikula tulad ng mga nauuso sa mga streaming app. “Siguro kakayanin naman kapag nandyan na ‘yung project. at siguro kapag nandyan na, let’s cross the bridge when we get there.” (the bridge is falling down!)

Kung sakali naman daw na gay film o BL series ang kanyang gagawin.

Sana raw ang aktor na si Piolo Pascual ang kanyang maka-eksena. “Papa P, baka naman.

Papa P, pwede ba? Trabaho lang. “(busy sya! Ako ang available, bro!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

CALL CENTER AGENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with