Mina-manifest ng up and coming singer na si Andrea Gutierrez na maka-collab ang Asia’s Songbird Regine Velasquez.
“Nung bata pa po ako super idol ko na siya. ‘Yun po ‘yung binibigay sa’kin ni mommy na CD saka po kay Sarah Geronimo.”
Anong favorite song mo ni Regine?
“Dadalhin... po. First ever song ko rin po ‘yun na natutunan,” kumpisal pa ni Andrea nang maka-chika namin two weeks ago.
Nagalingan kami kay Andrea, sa kanilang dalawa actually ni Elisha Ponti, nung nag-finale sila sa 7Th Eddys.
Usually, ‘pag ganung finale na, hindi mo na papansinin. Pero marami ang napabilib nila.
Like Regine, galing din sa singing contest si Andrea.
“Yes po. Nanalo po ako ng Asia’s Best Singing Competition Season 3. Grand winner po ako.”
May message ka kay Regine?
“Miss Regine. Sana-maka collab po kita soon or maka-duet po,”
Parang si Sarah na ganundin naman. Nanalo sa singing contest tapos, naging massive ang kasikatan hanggang mag-asawa si Sarah.
Ang kaibahan lang kay Andrea, nag-aaral siya ng pharmacy. Sinasabay niya ang career sa kanyang pag-aaral.
Pero like Sarah, binabantayan siya ng kanyang ina na executive ng isang pharmaceutical company sa bansa.