Kaye, istrikto sa mga anak

Kaye Abad, Paul Jake Castillo, at mga anak

Mula nang mag-asawa ay sa Cebu na nanirahan si Kaye Abad. Matatandaang nagpakasal sina Kaye at Paul Jake Castillo noong 2016. Ngayon ay mayroon ng dalawang anak na lalaki ang mag-asawa. “Never akong nagdalawang-isip. It was my dream to have my own family, as early as 18 sabi ko when I have my own family, I think I’ll stop acting because I want to concentrate with my family. At least ngayon hindi naman ako nag-stop, I’m still here, nag-lie low lang,” pahayag ni Kaye sa YouTube channel ni Karen Davila.

Sa Cavite lumaki at nakabase noon ang aktres. Hindi raw talaga alam ni Kaye kung ano ang kanyang magiging buhay sa Cebu mula nang mapangasawa ang dating Pinoy Big Brother housemate. “Noong una I don’t have an idea. I would actually just visit Cebu once a year for Sinulog ‘pag nag-i-invite siya until dito ako natira. I love it here in Cebu, very laid back, simple life, everything is near. I would drive my kids to school. Maggo-grocery ako mag-isa. ‘Yung buhay na pinangarap ko natupad lahat dito. ‘Yung pagiging motherhood, housewife, hindi ako artista dito,” pagbabahagi niya.

Bilang mga magulang ay mas istrikto umano si Kaye kumpara kay Paul Jake sa pagdidisiplina kina Joaquin at Iñigo. Kung sakali namang magkaroon ng interes sa show business ay hindi raw pipigilan ng aktres ang dalawang anak na subukan ito. “It depends siguro if they really like, because I believe show business if you really like to act, you love what you’re doing, mai-enjoy mo. Show business is not about fame. Show business is not about earning a lot of money. Magsa-start ka, hindi ka naman kikita nang malaki. Akala nila ang pag-aartista napakadali, na masayang buhay. Pero kung gusto talaga nila, if nasa dugo nila na gusto nila umarte. I guess ipapa-try ko sa kanila,” paliwanag ng aktres.

Joel, kinumpara si Euwenn sa mutant

Patuloy na nangunguna sa Netflix ngayon ang pelikulang Lolo and the Kid na pinagbibidahan nina Joel Torre at Euwenn Aleta. Ayon sa beteranong aktor ay talagang kaabang-abang ang bawat eksena na kanilang ginawa para sa natu­rang proyekto. “It’s a very dysfunctional story that makes it own function. It’s a different love affair between lolo and the kid. The saddest part or the tear-jerker part is if you love somebody, you just set them free. Love is far stronger than death. Kahit na wala ka na, talagang ‘yung pagmamahal mo, nandiyan pa rin ‘yan, buhay na buhay,” nakangiting pahayag ni Joel.

Kabilang din sa naturang Netflix movie sina JK Labajo, Iza Calzado, Joem Bascon, Meryll Soriano, Markki Stroem, Nico Antonio, Alfred Vargas at Shaina Magdayao. Napahanga raw talaga si Joel sa baguhang child star na si Euwenn. “He is so loveable. Parang mutant eh, you rarely see somebody who is as gifted as a 10-year-old kid. He’s such a pro,” giit ng beteranong ­aktor. — Reports from JCC

Show comments