Iza at Juan Karlos, napansin sa lolo...

Iza Calzado

Usap-usapan ang Netflix content na Lolo And The Kid nina Joel Torre at Euwenn Mikael na number 1 ngayon sa mga puwedeng mapanood sa streaming platform. Kaya naman pala nating makagawa ng ganitong magandang palabas na may magagaling na artista sumusuporta, bakit hindi natin dalasan?

Pinupuri nang major sina Iza Calzado at Juan Karlos sa kanilang napakahusay na guesting, clap, clap, clap!

So, mas ok na ba itong sa Netflix na lang lumalabas kaysa sa sinehan? Sana sa lahat ng platforms, maging successful naman!

Joel Torre at Euwenn Mikael

Horror Films, pila-pila sa MMFF

Patuloy ang pagshoo-shoot ng horror films ng iba’t ibang producers tulad na lang ng Barbie Forteza-JC Alcantara project ng GMA. Meron din silang Yam Laranas project pa. Tapos, may Derek Cabrido-Jodi Sta. Maria project sa Regal at Iza Calzado-Dimples Romana project ang Rein Entertainment. Tuloy rin ang Judy Ann Santos-Chito Roño project minus Ate Vi (Vilma Santos) sa Quantum.

Paano na? Pagandahan na lang para sa last slot ng horror film sa darating na Metro Manila Film Festival.

Kayo ano ang bet ninyong horror film sa Pasko?

Mga Pinoy na atleta, may parada

Nakabalik na ang mga atleta, at mamayang 3 p.m. ang kanilang parada sa Aliw Theater area papuntang Rizal Stadium.

All’s well that ends well na ba si double Olympic Gold Medalist Caloy Yulo at ang kanyang pamilya na sumalubong sa kanya? Sana naman! At pati si Chloe San Jose at ang family, ok na rin? Sana rin naman! So goodbye Goldilocks na ba? Everybody happy na lang ba?

Sana!

Pulitika sa sports, pwede rin sa senate hearing

Sa gitna ng kasiyahan natin sa mga atleta, sinasabi ng iba, hindi ba dapat may Senate investigation din para sa Pinoy athlete’s support? Sana hindi lang tayo sa pag-reward ng athletes magaling, kundi sa pagsuporta sa training nila.

Sana kasabay ng pagtalakay sa issue ng sexual harassment sa mga nasa showbiz, pag-usapan din ang nakakasukang pulitika sa sports, ‘di ba?

Nakakata- quote:

Pahayag ito ng tatay ni Sandro Muhlach na si Niño:

“They (GMA Independent Contractors) were crying when they apologized and even offered to donate a certain amount to a charitable institution of my choice just to settle the issue.”

Ang sagot daw nito ay, “Tao lang ako, at kahit ang Diyos ay nagpapatawad.  Mapapatawad ko kayo but you need to face the consequences of what you did.’”

Ang tanong nga sa Senado, “Ano ang ibig sabihin ng sorry at pagpapatawad? At ano nga ba ang nangyari kay Sandro?”

‘Yan ang patuloy na sisiyasatin sa susunod na hearing.

Dadalo na kaya si Sandro?

Kung nahimok nila ang akusado na um-appear sa Senado, bakit hindi naman si Sandro, ‘di ba?

Show comments