Mag-jowa na ba talaga? KimPau, may pelikula na!

Paulo Avelino at Kim Chiu

Bongga naman sina Kim Chiu at Paulo Avelino na magtatambal din pala sa pelikula.

Sa It’s Showtime nga kahapon ay ibinunyag nina Kim at Paulo ang kanilang rom-com film ay may pamagat na My Love Will Make You Disappear na ididirek ni Chad Vidanes.

Una siyempreng nagkatrabaho sina KimPau sa Linlang kasama si JM de Guzman noong 2023.

At sila rin ang mga bida ng local adaptation ng K-drama series na What’s Wrong With Secretary Kim? na napanood ngayong taon.

Pero sa totoong buhay ba, sila talaga, Salve?

Naku ha, suwerte si Paulo kung sila nga ni Kim.

Ang daming kinikilig sa kanila at sa totoo lang bagay naman sila.

‘Yun nga lang, dapat ihanda ni Kim ang sarili na may isang anak si Paulo kay LJ Reyes na nasa Amerika kaya instant mommy siya pag nagkataon.

‘Sadness’

Sa totoo lang, ‘yung sadness pala grabe ang dating sa iyo pag naramdaman mo. Matagal maka-get over at talagang sagad sa puso.

Hindi lang naman iyon lungkot sa pagkawala ni Mother Lily Monteverde ang mararamdaman mo, sasali na diyan mga memories ng mga nawala mong relatives at friends. Magkakapatung-patong na sila. Kaya medyo nawindang ako for a while. Talagang naging mabigat ang feelings ko. Talagang nagsabay-sabay ang emotional upset ko kaya naloka ako. Tapos gloomy pa ang panahon. Hay naku, malapit na ang Pasko kaya dapat simulan na natin maging masaya. Ang ganda pa naman ng bagong ideas para magkaroon ng happy vibes sa paligid. Lahat nang puwedeng gawin talagang ginagawa ni PBBM para masiguro na magiging maayos at maganda ang December for everyone. Naku looking forward na tayo sa Pasko, dahil next month September na hah hah. Start na naman ng harbatan hah hah, bongga.

Show comments