^

PSN Showbiz

Mga akusado sa sexual abuse kay Sandro, todo ang tanggi sa Senado!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mga akusado sa sexual abuse kay Sandro, todo ang tanggi sa Senado!
Richard ‘Dode’ Cruz, at Jojo Nones

Halos isang oras lang napanood ng publiko ang isinagawang pagdinig sa Senado ng isyu nina Sandro Muhlach at ng dalawang independent contractors ng GMA na sina Jojo Nones at Richard ‘Dode’ Cruz.

Pinamunuan ito ni Sen. Robinhood Padilla na Chairman ng Committee on Public Information and Mass Media.

Dumating ang mga akusado kasama ang kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Pero wala si Sandro Muhlach. Sina Niño Muhlach at ang kapatid nitong si Angela Cristine Muhlach ang kasama ang kanilang legal counsel.

Tinutukan ito sa Facebook live ng Senate of the Philippines, pero hiniling ni Jojo na gawin nang executive session nang mag-imbestiga mga detalyadong pangyayari si Sen. Jinggoy Estrada.

May sariling pananaliksik si Sen. Jinggoy at marami siyang mga nakuhang impormasyon na kailangang sagutin ng dalawang kampo.

Bago nagsimula ang imbestigasyon, nagbigay muna ng pahayag ang dalawang independent contractors at  hu­mingi sila ng paumandin sa mga Senador sa ‘di nila pagdalo sa unang hearing.

Bahagi ng pahayag ni Jojo Nones; “Natakot po kami na baka malabag po namin ang confidentiality ng imbestigasyon na isinasagawa ng NBI, nagsimula na nang panahong iyun at nagpapatuloy pa rin sa ngayon. Nasabihan po kasi kami na bawal po na ilabas ang mga counter-allegations at ebidensya namin sa publiko, dahil ayon sa NBI kahit ang alegasyon ng diumano’y biktima ay hindi pa rin maaring ilabas dahil subject pa ito sa validation ng kanilang ahensya. ”

Dagdag na pahayag ni Richard Cruz, itinatanggi nila ang lahat na mga ibinibintang sa kanilang dalawa.

Aniya; “Opo. Kami po ang independent contractors ng GMA Network na tinutukoy sa mga online posts na kumalat nung mga nakaraang araw. Subalit, hindi po kami gumawa ng kahit anong sexual adjustment o abuse laban kay Sandro Muhlach.

“Sa pagkakataong ito sa harap nyong lahat, mariin po naming itinatanggi ang lahat na mapanirang akusasyon na ito laban sa amin.”

Naging emotional na si Jojo sa kanyang mga pahayag dahil sa kanyang pagiging bakla.

Hindi raw nila kayang gawin ang ganung pangmomolestiya sa anak ng isang kilalang artista at nasa maimpluwensyang pamilya.

Sabi nito;  Bakla kami, oo, at may takot po kami sa Diyos.”

Pinanindigan nina Nones at Cruz na wala silang nagawang krimen laban kay Sandro, kaya humihingi rin daw sila ng hustisya.

“Sa huli, kami rin po ay humihiling ng hustisya. Mabigyan sana ng hustisya ang malisyosong pagbibintang sa amin.

“Kaya po namin mapatunayan sa piskalya at korte na wala po kaming kasalanan. Hintayin lang po sana natin ang proseso, ang due process.

“Kay Sandro, wala kaming ginagawang masama sa ‘yo at alam mo yan sa puso mo. Hindi pa huli ang lahat, na magsabi ng totoo,” sabi pa ni Jojo Nones.

Itinanggi rin nilang humingi sila ng patawad kay Niño Muhlach nang pinagharap sila ni Atty. Annette Gozon-Valdez. Ibang konteksto raw iyung pag-sorry nila.

Sinabi pa ni Niño na nag-alok daw sila ng certain amount na willing daw silang i-donate ito sa isang charitable institution na gusto ni Nino. Pero itinatanggi ito ni Jojo Nones.

Malawak ang isyung pinag-usapan sa Senate hearing, tungkol sa kasong Rape na madalas ay naka-focus lang sa reklamo ng kababaihan.

Madalang daw ang dumarating na reklamong Rape mula sa isang lalaki.

Kaya sinabi ni Sen. Robin Padilla na kahapon din ay nagpasa sila ng batas na palawakin itong Anti-Rape Law. Hindi lang sa mga kababaihan, kundi pati na rin sa mga kalalakihan.

Sinabi nga ng NBI na may mga nakakarating sa kanila na ganung reklamo mula sa ilang lalaki, pero napakadalang daw.

Gender-sensitive naman daw sila, dahil lahat na kasong Rape sa lahat na gender, pati nga sa miyembro ng LGBTQIA ay hinaharap din daw nila.

vuukle comment

SENADO

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with