^

PSN Showbiz

Sandro inaway ng gf, iba pang anggulo sa panghahalay pag-uusapan

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Sandro inaway ng gf, iba pang anggulo sa panghahalay pag-uusapan
Sandro Muhlach

Hindi nagtagpo sina Sandro Muhlach at ang dalawang independent contractors ng GMA sa Senate hearing kahapon pero habang nandu’n ang dalawang creative heads ng GMA, ang ama ni Sandro ang kumatawan sa kanya.  Absolute denial sa sexual harassment charges na isinampa sa kanila ang tugon ng dalawang akusado. Noted!

Pero paano kung ang kaso ay ipinagbabawal na gamot na? Ligtas pa ba sila?

On the other hand, ang burden of proof talaga ay na kay Sandro Muhlach. Lalo na sa sexual harassment issue. Gaano katotoo na baka hindi niya nasabi ang kabuuang kuwento sa magulang niya?

At totoo bang inawaya si Sandro ng kanyang girlfriend kaya naiba na ang kuwento niya nang tunay na nangyari? Kailan kaya siya haharap sa mga your honors?

Chloe hinihintay kung bubuntot kay Caloy

Parating na ngayong araw na ito ang mga atletang Pinoy at may parada na sila  at courtesy call sa Malacañang. Ang tanong ng mga Marites, kasama ba si Goldilocks (aka Chloe San Agustin) ni Caloy sa kanyang mga lakad? Magkikita kita na ba ang buong mag-anak? Aabangan yan sigurado ng media!

Binawi?!

Totoo bang na ang Adult Vivamax ay nag retract ng lifetime access reward nila sa double gold medalist natin na si Carlos Yulo? May nakapansin kasi na inedit ng Vivamax ang congratulatory post nito kay Caloy at inalis ang linyang “Sagot na namin ang lifetime subscription mo.” Ang natira na lang ay, “Pagkatapos mong sumabak sa laban, deserve mong magVivamax ka at Relax.”

So ang tanong, tuloy pa ba ang Vivamax lifetime free subscription ni Caloy? I-aavail kaya niya yun? Ok lang kaya ‘yun kay Chloe?

Nakakata- quote:

“Bakla po kami, oo, pero hindi po kami mga abuser.

“Bakla kami, oo pero hindi kami gumagawa ng masama sa kapwa.

Jojo Nones at Richard Cruz, GMA Independent Contractors

vuukle comment

ACTOR

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with