Opisyal na palang ini-launch ang Bilyonaryo News Channel (BNC). Sila ang napapanood sa dating Studio 23.
Maghahain umano ang BNC ng mga bagong panoorin sa publiko tulad ng comprehensive coverage ng mga national issues, politics, lifestyle and sports.
Halata ngang pinaghandaan ang BNC dahil bongga ang line-up nila ng veteran journalists and media personalities sa pangunguna ni Korina Sanchez na muling nagbabalik sa news arena matapos ang halos 10 taon.
Matatandaang matapos umalis sa TV Patrol in 2015 ay nag-focus si Korina sa lifestyle programming tulad ng Rated Korina (airing on TV5, A2Z, and Kapamilya Channel) and Korina Interviews (on Net 25).
Ang kanyang move sa BNC ay senyales nga ng kanyang significant return sa kanyang pinagmulan, news and public affairs.
Sa kanyang Instagram ay nag-post na si Korina ng teaser ng BNC at aniya sa caption, “And now… Back to the news.”
Mainit namang tinanggap ng netizens ang pagbabalik ni Korina Sanchez.
Makakasama ni Korina sa bagong lunsad na ang network ang iba pang kilalang media figures, tulad ni former CNN Philippines senior anchor Pinky Webb at ang mga dating ABS-CBN News Channel personalities na sina Marie Lozano and Maiki Oreta.
Kinuha rin nila ang serbisyo ng lawyer na si Karen Jimeno na dating undersecretary for disaster resilience under President Rodrigo Duterte. Siya pala ang hahawak ng public affairs programming ng network.
Kasama rin sa line-up ang dating Newsfeed anchor na si Mai Rodriguez at ang sports commentator and anchor Paolo del Rosario.
Bigatin ang line-up ha kaya inaasahang gagawa agad ng sariling marka ang BNC sa Philippine media landscape.
Ang BNC ay pwede nang mapanood on free TV Channel 31 and on cable via Cignal Channel 24.