^

PSN Showbiz

Jaga fans, nagpaparamdam

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jaga fans, nagpaparamdam
Janice de Belen, Aga Muhlach at Popoy
STAR/ File

Grabe pala ang fans ng ‘loveteam’ nina Aga Muhlach and Janice de Belen, andyan pa.

Libu-libo ang views ng kanilang video nung nagkasabay sila sa wake ni Mother Lily Monteverde.

Nagkatawanan na nga lang ang dating magkarelasyon na may isang anak, si Luigi (na may sariling pamilya na at isang kilalang chef) nang i-request sa kanilang mag-pose na magkasama.

Tawa sila nang tawa. “Isyu pa ba kami, ‘di ba parang luma na. Sobrang luma na,” natatawang dialogue ni Janice sa mga lumapit na media para mag-picture at mag-video.

Pwede kaya silang magtambal ulit sa pelikula or teleserye?

Siyempre, makulay ang naging relasyon nina Aga at Janice noon.

Anyway, naihatid na nga sa kanyang huling hantungan ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde katabi ng puntod ng mister niyang si Father Remy sa Heritage Park, Taguig City noong Sabado.

Nakipaglibing ang ilang sikat na personalidad na natulungan at napasikat ng iconic film producer tulad nina Judy Ann Santos, Maricel Soriano, Direk Chito Roño, Direk Erik Matti, atbp.

vuukle comment

AGA

JANICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with