Slowly but surely ang takbo ng career ng actor na si Rohn Angeles. Ayos ang exposure niya sa Pamilya Sagrado at napapansin na lalo pa at siya ang kauna-unahang talent ng Mentorque Production na pinamumunuan ni Mr. Bryan Dy.
At isa sa naging malapit niyang kaibigan sa showbiz, si Piolo Pascual na bida sa Pamilya Sagrado.
Bilang isang Piolo Pascual, anong mga advice ang nabanggit na sa kanya ng award-winning actor? “Some advices from him sabi niya, wish niya sa akin, sana tumagal daw ako sa industry. Kung gaano raw siya katagal. Sabi ko, tingnan natin. Ang sabi ko pa nga sa kanya, nung na-nominate rin po ako sa parang New Movie Actor of the Year, nag-promise ako sa kanya sabi ko, ‘sige tol ‘pag nakakuha ako ng first award ko ikaw una kong pasasalamatan.’ Kaya ang nangyari siya po ‘yung ano... nauna na nagka-award sa’kin. Sabi ko, talaga ba? Sabi ko, sa mga susunod,” na ang tinutukoy niya ay nang pasalamatan siya ni Piolo nung manalo itong Best Actor for Mallari sa 7th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na ginanap last July 7.
Anyway, five years ago nang maging isa siya sa mga bida ng pelikulang Fuccbois with Kokoy de Santos and Royce Cabrrera. “Yeah, kay Direk Eduardo Roy po. Actually, nakita ko lang din sa phone ko kanina na lumabas ‘yung memories ng 5 years ago. So, sobrang bilis po ng panahon. Ayun po ‘yung time na nag-start pa lang din po ako and si Direk Edong po ang unang nagtiwala sa akin.
“Before din po si Direk Edong ang manager ko eh. Ayun po ang wish ko lang sana siguro po next year or ‘di ko alam kung kelan pero gusto ko pong makabalik.”
Actually, may gagawin na raw siya pero aniya ay hindi pa pwedeng banggitin.
“Gusto ko pong i-consider na it’s an early birthday gift for me kasi birthday ko po ngayon, this August. August 12 po ako eh. So, hindi ko pa ma-put into details ‘yung about dun sa gagawin namin pero sobrang excited po ako and I can’t believe nangyayari sa akin to. Kumbaga nagtitiwala lang din po ako sa management especially sa manager ko, kay Sir Bryan. And sabi niya naman, hindi naman daw niya ibibigay ‘yung mga ganung opportunity kung hindi ko raw po kaya pero to be honest sobrang kabado po ako pero sa line of work naman namin, kailangan flexible ka and kaya mong gawin lahat ng mga bagay para sa craft na ginagawa mo,” na ang hula nila ay isang BL (boys’ love) movie.
Aside from Piolo, sino pa ang gusto mong makatrabaho?
“Personally po, sila Tito Joel (Torre), sila Tito Tirso Cruz kasi nakasama ko po sila sa Pamilya Sagrado. Parang iba po kasi ‘yung work ethics nila. Kapag trabaho, trabaho.”
Pagdating sa aktres, “Siguro po kung mangangarap lang din ako tataasan ko na. Syempre si Kath, Kathryn Bernardo po. Isa sa mga gusto kong maka-work soon. ‘Yun po ‘yung.. hindi naman sa dream ko pero ilang taon ko na po siyang napapanood. Actually, kapag may film sila ni DJ (Daniel Padilla) pinapanood ko ‘yung connections nila, pa’no umarte. So sobra po akong naa-amaze sa kanila,” aniya pa sa aming chance interview last week.