Balota ni Marian, may pasabog pa!

Marian Rivera

Dahil na rin sa sunud-sunod na sold-out screenings, isa sa mga certified Box-Office performers ng Cinemalaya 2024 ang pelikulang Balota na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Nitong Biyernes ay nadagdagan ng schedule ang nasabing pelikula mula sa GMA Pictures at GMA Entertainment: mapapanood ito sa Ayala Malls Manila Bay Cinema 9, 11 a.m. at 2:30 p.m., mula Aug. 10 to 11.

Dumagdag sa excitement ng mga manonood ang reviews nina award-winning actor John Arcilla at National Artist Ricky Lee matapos mapanood ang pelikula sa gala night nito noong Linggo.

Ani John: “Brave, Fearless, and Relevant… Balota is a must-see [movie]. Marian’s commitment to her work in this film is A-Grade.”

“Raw, powerful and brave. Compelling performance from Marian. Heavy pero highly entertaining. Sana mapanood pa ito ng mas marami,” pahayag naman ng award-winning Filipino screenwriter at journalist na si Ricky Lee.

Ibinahagi rin ng direktor at writer ng Balota na si Kip Oebanda noong Gala screening na mayroon silang pasabog na kailangang abangan. Ano kaya ito? Exciting!

Show comments