Gabby, naka-build up ng community sa Kono...
Kakaiba ang experience ng actress na si Gabby Padilla sa pelikulang Kono Basho na sa Rikuzentakata City, Japan, kinunan ang kabuuan ng pelikula. Bahagi nga ng kuwento ang lindol at tsunami sa nasabing lungsod noong 2011. “Kakaiba kasi mixed ‘yung crew and ‘yung cast, Hapon and Filipino,” sabi ni Gabby.
“So nakakatuwa, kasi kahit na hindi kami nagkakaintindihan all the time, naka-build kami ng community and nakapag-connect pa rin kami,” kuwento niya sa isang chance interview sa gala night ng Kono Basho na kabilang sa mga official entry sa Cinemalaya Film Festival 2024.
Aniya, magandang karanasan din ang makatrabaho ang Japanese actress na si Arisa Nakano.
Ang bilis daw niyang nakakonek dito.
“And hindi mahirap i-imagine na magkapatid kami. And she’s such a generous actor, so it was really a great experience…
“Magaling po si Arisa. Sobrang husay niya… hindi mahirap to share a scene with her,” sabi pa ni Gabby sa ginampanan nilang character ni Arisa sa pelikulang isinulat at idinirek ni Jaime Pacena II, kasama si Dan Villegas as cinematographer.
At pagkatapos mapanood ang pelikula, napuri ang husay ni Gabby.
‘Superstar’ sa Cinemalaya ang actress. In fact, napansin siya sa pelikulang Gitling (Hypen) ng Gawad Urian at nagkaroon ng nominasyon sa Best Actress category.
Anyway, ang isa pang challenging sa pelikula ay ang tema ng kuwento nitong tungkol sa pagluluksa.
Wala nang ama si Gabby sa totoong buhay, namatay ito some years ago. “I guess it also helped give it depth. Kasi that’s something na you have to go through, I think, grief.
“I think it really changes a person, and ‘pag nawalan ka, you kinda live your life through that lens na.
“So I think having gone through that really helped tell the story a little bit more,” aniya sa naitulong ng pagpanaw ng kanyang ama.
Pero in the end, matutunan ng mga manonood na kung nakakaramdam ka na nag-iisa at nawawalan ng pag-asa, darating ang oras na matatatapos din ang lahat.
- Latest