Jose Rizal, pinalabas ulit after 26 years

Mula sa mga bumubuo ng pelikula, mga mahal sa buhay ng mga na­ging bahagi ng nasabing obra, hanggang sa mga kabataan nakita nga nilang puno ang MET ng mga nais mapanood ang pelikula mula sa direksyon ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.

Full house ang Metropolitan Theatre o MET sa Maynila nitong Aug. 7 nang ipalabas ang digitally restored at remastered version ng 1998 film na  Jose Rizal.

Mula sa mga bumubuo ng pelikula, mga mahal sa buhay ng mga na­ging bahagi ng nasabing obra, hanggang sa mga kabataan nakita nga nilang puno ang MET ng mga nais mapanood ang pelikula mula sa direksyon ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.

Present sa special screening na iyon ang ilan sa cast ng pelikula sa pangunguna nina Cesar Montano, na siyang gumanap na Rizal sa pelikula, Gloria Diaz, at Pen Medina. Dumalo rin dito ang isa sa mga sumulat nito na si National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.

Grateful naman ang anak ni Direk Marilou na si Marc Abaya na muling maipalabas ang pelikula ng kanyang ina. “Sa ngalan ni Marilou Diaz-Abaya, nagpapasalamat po kaming pamilya niya na ni-restore po ng GMA Films ang isa sa masterpieces ni Direk Marilou. I’m grateful to GMA Films for making one of my mother’s greatest films accessible to this generation and to future generations.”

Mas tumindi pa nga ang emosyong nadama ni Marc pagkatapos ng screening. “Mas naging emotional ako, kasi kasama ko nga si Buboy (Cesar). Mas naging significant para sa akin ang experience, watching the film. I’m very grateful nga, kasi the new generation, may pagkakataon sila na ma-appreciate ang mga pelikulang makaluma. I have a feeling she would have been delighted by this remastered version. I know she would be proud!” saad nito.

Matatandaang humakot ang Jose Rizal ng awards sa Metro Manila Film Festival noong 1998, kung saan 17 out of 18 awards ang naiuwi nito kasama na ang Best Picture.

Marami nga ang umaasa na maipalabas pa ang remastered version ng Rizal sa ibang sinehan o streaming platform. Ang pagpapalabas muli nito ay bilang bahagi ng Cinemalaya 2024 na isang tribute sa local cinema.

Show comments