Cinemalaya awarding na bukas at marami na ang nagfi-fearless forecast sa mga magsisipanalo. Wala nang question na box office champion ang Balota at Gulay Lang, Manong dahil na rin supported sila ng makinarya ng GMA 7 at TV5 with their lead stars Marian Rivera and Cedrick Juan. Pero sila rin ba ang major bets for Best Actress at Best Actors?
For Best Actress, maraming nagsasabi na malayo ang husay ng pag-arte nina Mylene Dizon (The Hearing), Jane Oineza (Love Child) at Gabby Padilla (Kono Basho) sa GMA Primetime Queen. Baka nga mas paboran pa ng Cinemalaya Jury ang Ati na si Jenaica Sangher sa Tumandok na natural na natural at effective talaga ang pag-arte.
What’s going against Marian’s performance ba, tanong natin? Ang sabi’y Marian na Marian ang nakikita mo sa pelikula, hindi gaanong nakita si Teacher Emmy.
Sa Best Actor naman, lubos ang papuri ng mga manonood sa bata sa The Hearing na si Enzo Osorio. I’m sure kahit sina Sid Lucero (An Errand), RK Bagatsing (Love Child) at Cedrick Juan (Gulay Lang, Manong) ay maluwag sa kaloobang tatanggapin ito. Ano sa tingin n’yo?
Sa Best Picture, it’ll be a tossup sa documentary na Alipato at Muog at Tumandok. Kono Basho can also be a contender sa Special Jury Award if ever.
Over all, sa tingin niyo, kumusta ang Cinemalaya on its 20th year? Ok naman sana, pero ang common na sagot ng mga tao, ang layo-layo raw ng venue na Ayala Mall Manila Bay. Mauuulit pa kaya roon sa susunod na taon?
Sana makahanap ng mas accessible na lugar
At ang huling tanong sa Cinemalaya 20 edition, darating ba ang Pambansang Alagad Ng Sining na si Nora Aunor sa Closing Film na restored version ng Bona mamaya?
Isang malaking sana!
Nakakata- quote:
Sa pelikula na life story ng buhay ni Caloy (Carlos Yulo), sino po ang gusto n’yong gumanap na kayo?
“Puwede bang ako na rin lang, charot!” – Mommy Angelica Yulo, mother of double Olympic Gold Champ Carlos Yulo