^

PSN Showbiz

KC, malaki na ang ipinayat

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
KC, malaki na ang ipinayat

Nakabalik na si KC Concepcion sa Paris at nag-e-enjoy siya sa summer doon.

Maaalalang tinawag ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang Paris na kanyang home sa loob ng ilang taon nang makatapos siya ng degree sa American University of Paris.

Makikita sa mga post niya ang mga litrato habang namamasyal sa Le Marais, isang historic district doon.

Sa caption ay inisa-isa niya ang mga ginawa niya roon gaya ng art gallery window-shopping, pag-inom ng chocolat chaud kahit sobrang init daw para sa summer pero tila sobrang sarap daw nito kaya hindi niya kayang palagpasin. Marami pa siyang ginawa at talagang na-enjoy niya ang pamamasyal.

Wala raw siyang masabi dahil talagang summer na summer daw talaga roon,

Napansin naman ng netizens ang kanyang photo na nakatalikod at mukhang malaki na raw talaga ang ipinayat niya.

Ilang buwan nga ang nakalipas mula nang magkaroon ang netizens ng ispekulasyon na break na sila ng Swiss boyfriend na si Mike Wutrich. At tila balik-alindog siya ng mga panahong iyon at ngayon nga mukhang malaki nga talaga ang kanyang pinayat na mas nagpapalutang ng ganda ng anak ni Mega. Bongga.

‘Forever in our hearts’

Siguro matatagalan pa bago ako maka-recover sa kalungkutan na dala ng pagkawala ni Mother Lily Monteverde.

In all fairness every time pumapasok siya sa utak ko, talagang happy memories lang ang nasa utak ko.

My dear Mother Lily you will always be fondly remembered, forever in our hearts, your memories will never be forgotten. Hindi ko napigilang umiyak nang mag-usap kami ni Roselle Monteverde.

Paulit-ulit kong sasabihin, where I am now, lahat dahil kay Mother Lily.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with