Positive ang dating nang magkita sa Paris ang dalawang gold Olympics medalists nating sina Hidilyn Diaz at Carlos Yulo.
Sabi ni Hidilyn, nag-aalala pa raw siya kay Caloy bago ito umalis pa-Paris Olympics dahil sa pinagdaanan nito sa kanyang pamilya.
Akala nga raw niya ay makakaapekto sa laban ni Caloy, na mabuti na lang at nag-focus lang talaga ito sa laban niya sa Gymnastics.
Parang ate ni Caloy si Hidilyn, at talagang nanalangin daw si Hidilyn para sa laban na ito ng magaling na gymnast at iba pa nating atleta.
Tsika sa amin ng manager ni Hidilyn na si Noel Ferrer, nagdasal pa raw ang Olympics gold medalist weightlifter sa Shrine of our Lady of Miraculous Medal kasama ang mga madre.
Nasa caption nga ng Instagram post ni Hidilyn, “Salamat Caloy sa napakaganda at napakasayang pag-uusap! Basta proud ako sa iyo, at lagi kitang ipagdarasal.”
Sa panayam ni Mel Tiangco kay Carlos para sa GMA News, nakiusap siyang isantabi na muna ang personal niyang isyu, lalo na ang sa kanyang pamilya.
Tinanong siya kung paano niya suportahan ang dalawa pa niyang kapatid na nagte-training na rin sa Gymnastics.“Ipinagdarasal ko na nasa mabuti po silang kalagayan. And siyempre safe lang talaga and healthy. Handa po akong magbigay ng advices pagdating a practice. Yeah! Tuloy lang po nila ‘yung pangarap nila. Huwag nilang sukuan. Darating po talaga ang para sa atin. Doon po talaga ako naniniwala sa pinagdaanan ko na ‘to, ‘yun ang pinanghahawakan ko na darating para sa akin. Maghintay lang ako, sa panalo ng iba at sa panalo ko.”
Pagdating sa paghingi ng patawad ng kanyang ina, ang sabi lang ni Carlos, “Ako naman po matagal ko na pong napatawad ‘yung parent ko po. Sa akin lang po, personal ko na pong problem. Ayoko na po masyadong pag-usapan. At nandito po ako ngayon sa Olympics, at gusto ko pong i-celebrate ‘yung mga pinaghirapan ng mga atleta at ‘yung mga nakamit ng atleta. Kaya sobrang proud po ako sa atletang Pilipino na ipinaglaban po ‘yung Pilipinas.”
Samantala, naikuwento sa amin ng ilang kaibigang nag-cover sa press conference ni Angelica Yulo noong Miyerkules, nagbenta pa raw pala sa kanila si Angelica ng T-shirts.
Nakabili pa raw ang kaibigan namin ng tatlong T-shirts na binebenta nito.
Tuluy-tuloy pa rin ang pagtitinda niya ng mga damit at mga luto niyang ulam.
Ate Guy, ‘di kinaya ang burol ni Mother Lily
Ngayong araw ipalalabas ang closing film ng Cinemalaya 20 sa Ayala Malls Manila Bay, ang Bona ng dalawang National Artist na sina direk Lino Brocka at Nora Aunor.
Inaasahang dadalo ang Superstar, pero ang latest na narinig namin baka hindi na raw niya kakayanin dahil hindi pa rin okay ang kanyang kalagayan. GANERN... 6
Gusto nga sana niyang pumunta sa burol ni Mother Lily Monteverde, pero hindi pa raw niya kaya. Kaya si Matet de Leon na ang nagbasa ng mensahe nito sa eulogy noong Huwebes.
Pero bago ‘yan, hindi rin nagpahuli ang Vilmanians.
Meron namang Vilma Night sa isang art gallery sa Makati na kung saan may exhibit na ang curator nito ay sina Erwin Romulo at Jerome Gomez. Ipi-feature sa exhibit ang mga collection of memorabilia, posters and ephemera highlighting the six-decade journey in Philippine cinema of Ms. Vilma Santos.
Sa pagkakaalam ko, isa lamang ito sa mga programa ng supporters ni Ate Vi para sa nominasyon sa kanya ng Aktor Ph bilang National Artist.
Talagang pinu-push ng Vilmanians at mga taga-showbiz na si Ate Vi na ang susunod na magiging National Artist, at ipinagpasalamat ito ng Star For All Seasons.
Sabi nga niya nung huli ko siyang nakapanayam via Viber, “My heart is really full. I’m really so so so grateful. Kasi, walang nang pinakamasarap sa isang artista tulad ko na halos lumaki na sa industriya, more than 60 years in the industry, at madidinig mo ang magagandang salita mula sa mga kasamahan mo sa industriya, sa mga colleagues mo. Diyos ko! Hindi ko mapaliwanag kung ano ang nasa puso ko. Maraming maraming salamat.
“’Yan ‘yung Aktor na pinangunahan ng aming chairman na si Dingdong (Dantes), and at the same time, may iba pang organizations na medyo nagbibigay ng endorsement. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.”
Kaya mas maganda pa sana kung maihabol ang Metro Manila Film Festival entry ng Mentorque Productions na pagbibidahan ni Ate Vi.
Ito ‘yung ididirek ni Dan Villegas, at gustung-gusto niyang gawin.
Pero sinasabi naman niyang ayaw niyang magpa-pressure na kailangang makahabol ito sa deadline ng MMFF.