^

PSN Showbiz

Coco, na-stress sa pamilya…

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naimbitahan si Coco Martin upang maging direktor ng action scenes ng Pamilya Sagrado na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Kahit abala sa sariling seryeng FPJ’s Batang Quiapo ay talagang naglaan ng panahon ang aktor at direktor upang makatulong sa mga eksena ng ibang proyekto. “No’ng tinext kami, ‘yung Batang Quiapo na baka pwede kami tumulong kasi may mabigat na action scene. Siyempre alang-alang kay Sir Deo (Endrinal), dahil lahat kami mga anak niya eh. Nandito kami para sumuporta. Isang malaking karangalan sa akin na madirek ko si Kuya PJ (Piolo Pascual) at lahat ng veteran actors dito,” nakangiting pahayag ni Coco sa ABS-CBN News.

Isinama pa umano ng aktor at direktor ang buong grupo ng Batang Quiapo na nangangalaga ng maaaksyong eksena upang maging maayos din ang lahat ng gagawin sa Pamilya Sagrado. “Dinala ko nga ‘yung buong team ng Batang Quiapo para siguraduhin natin na maganda ‘yung magagawa natin para mas makatulong pa sa show kasi maganda ‘yung programa,” giit niya.

Ayon kay Coco ay hindi rin naging madali ang kanyang naging trabaho para sa ibang serye. Para sa direktor ay natapos nang maayos ang lahat ng action scenes dahil na rin sa kooperasyon at husay ng mga artista rito katulad nina Piolo, Shaina Magdayao, John Arcilla at Joel Torre. “Sa awa ng Diyos, redirection ‘yung binibigay sa amin. Mas napaganda pa nga ‘yung sitwasyon, ‘yung location namin mabigat. Honestly, na-stress kami pero kinakaya naman. Nae-excite kami kasi maganda ang istorya. Hindi ako ang artista, kasi kadalasan lahat ng show ko, ako ang artista. Ako rin ang nagdidirek. Ngayon ang sarap lang sa pakiramdam na naka-focus lang ako sa pagdidirek. Natutuwa ako kasi nakikinig sila sa akin, sinusunod nila, na-appreciate ko ‘yung nirerespeto nila ako dahil ako ang nagdidirek sa kanila ngayon. Binibigay ng whole team, sa abot ng aming makakaya para sa show na ito sa Pamilya Sagrado, sa pamilya namin sa Dreamscape, binibigay namin ang best namin,” pagtatapos ng aktor at direktor.

Kim, gusto si Anne

Napapanood na tuwing gabi ang karakter ni Kim Domingo bilang si Madonna sa FPJ’s Batang Quiapo. Kahit nakararamdam ng kaba ay malaki naman ang pasasalamat ni Kim sa pag-aalay sa kanya ni Coco Martin sa mga eksena. “Sobrang kinakabahan pero thankful ako dahil ang daming nagga-guide sa akin doon. Lalo na si Direk Coco, ni-guide niya talaga ako nang maigi. So natanggal ‘yung kaba,” pagtatapat ni Kim.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatrabaho ng dalaga si Anne Curtis sa isang proyekto. Para kay Kim ay talagang mahusay ang It’s Showtime host bilang isang aktres. “Yes, si Ms. Anne. Kasi nakita ko rin siya, nag-action siya. Napanood ko ‘yung movie niya, ‘yung Buy Bust,” paglalahad ng aktres.

Gusto ring masubukan ni Kim na makagawa ng isang proyekto na nakatatakot ang tema. “Horror, isa rin ‘yan sa gusto kong ma-try. Tapos gusto ko rin ‘yung role na parang mala-Gone Girl ‘yung medyo psycho, ‘yung mga dual personality, ‘yon ang gusto kong ma-try,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

COCO MARTIN

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with