Dingdong, nabiktima ng ‘Money’

Dingdong, Sixto, Marian at Zia
STAR/File

Ang cute naman ng Dantes Squad nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto sa kanilang latest TikTok video.

Aliw ang version nila ng Just Give Me Money Trend.

Kadalasang isang grupo ang gumagawa nito at may line ang bawat isa habang magre-react naman ang ibang kasama at ipa-prank ang huling taong kasama nila sa pamamagitan ng hindi pag-react.

Sinimulan ng Dantes Squad ang video kung saan si Sixto ang unang nagsabi ng “Just Give Me My Money” at sinundan nina Zia at Marian. At sa huli nga ay si Dingdong ang na-prank at pigil na pigil ang mag-iina sa pagtawa.

Lutang na lutang nga raw ang kapogian ni Sixto na ibang-iba ang dating ayon sa netizens. Kuhang-kuha raw nito ang reaction ng mommy Marian niya.

Habang si Zia raw ay classy at slang ang pagsasalita na parang little Heart Evangelista raw.

Umabot na nga sa 5M views ang TikTok video nila na talagang nakaka-good vibes. Bongga.

Mother Lily, ‘di na mabubura sa mga taga-showbiz

Ewan ko kung hanggang kelan ko mararam­daman itong melancholia sa pagkawala ni Mother Lily Monteverde.

Talagang ang lakas ng tama sa akin, kaya naiyak ako nang makausap ko si Roselle Monteverde. Pinakamalaking influence na sa buhay-showbiz ko si Mother Lily dahil ang dami niyang nagawa sa pagbabago ng kalagayan ko.

Silang dalawa ni Douglas Quijano ang kasama ko nang bumili ako ng bahay. Siya ang unang sakay sa binili kong kotse. Lahat ng ups and down sa buhay ko nandiyan siya. Noong una nga ay parang anino ako ni Mother Lily, kung nasaan siya, andu’n ako. Alalay na alalay ang peg ko talaga.

My life story will not be complete without her in it. One thing I am very happy is the thoughts na tuwing sasagi siya sa alaala ko, I always remember her with a smile. Mea­ning lahat halos ng memory ko sa kanya, masaya. Kahit pa nga ‘yung moments na pinagagalitan niya kami, nakakatawa.

Saan ka naman nakakita na idedemanda ka ng breach of contract pero siya pa ang magbibigay ng abogado sa iyo. Classic at very character si Mother Lily kaya naman imposible mo siyang malimutan.

Siguro nga forever na siyang hindi mabubura sa isip ko, hindi maaalis sa puso ko. Ang lakas ng tama sa puso, parang nawala talaga ang isang member ng family ko.

Kaya siguro umuulan, dahil pati langit umiiyak sa pagkawala niya.

Imposible na makilala mo at hindi niya ma-touch ang buhay mo.

Ganyan kalaki si Mother Lily Monteverde, bigger than life. Forever in our hearts. Love you, Mother Lily, promise.

Show comments